Inspiring
Melai Cantiveros Ipinagmamalaki Ang Dalawa Anak Na Sina Mela At Stela Ay Hindi Pinalaki Sa Luho

Tulad ng maraming mga ina, ang dating PBB Big Winner na si Melai Cantiveros ay walang ibang hangad kundi ang maibigay ang lahat ng mga bagay na nagpapasaya sa kanyang mga anak, lalo na ang mga pangangailangan ng mga ito. Ito rin ang dahilan, kung bakit sila ng asawa niyang si Jayson Francisco ay patuloy na nagsusumikap.
Isa din sa mga nais ni Melai para sa kanyang mga anak, ay ang maranasan ng mga ito ang mga bagay na hindi niya karanasan noong siya ay bata pa, tulad na lamang nga ng pamamasyal sa mga magagandang lugar o di kaya naman ay ang pagkakaroon ng mga maraming mga laruan o mga gamit. Dahil nga sa magandang takbo ng karera ni Melai at ng mister niyang si Jason ay naging posible nga sa kanilang mag-asawa na maibigay ang lahat sa kanilang mga anak, kaya naman talagang labis nila itong pagpapasalamat sa Diyos.
Ngunit ayon kay Melai, habang ang kanyang mga anak na sina Mela at Stela ay lumalaki ay hindi na masyadong nabibigyan ng pansin at atensyon ng mga ito ang kanilang mga gadgets. Paglalahad ng komedyanteng host, ito ay madalas na nangyayari kapag sila ay nag bakasyon sa probinsya kung saan nakakasama ng kanyang mga anak ang mga pinsan ng mga ito. Ayon pa kay Melai, bata pa lamang kasi ay nasanay na rin ang dalawa niyang anak na makipag halubilo sa ibang mga tao.
“nakikitira kami ng mga anak ko sa lolo namin, ancestral house. Ini-immersion ko sila doon. Iyong buhay ko noon, iyong ang pinapa-experience ko sa kanila ngayon”, kwento ng Magandang Buhay host.
Suportado din ng mister ni Melai na si Jason ang ganitong klase na pagpapalaki sa kanilang dalawang anak, ito ay dahil lumaki din nga ito sa probinsya.
Saad pa ni Melai, napapansin din nila na malaki ang epekto ng gadget ngayon sa mga bata, kaya naman habang maaga pa ay sinasanay na nila ang kanilang mga anak sa iba’t ibang gawain o mga laro na pwedeng gawin sa loob at labas ng bahay.
Isa nga sa mga paraan nilang mag-asawa ay ang pagbibigay quality time sa mga anak nilang sina Mela at Stela, kung saan sa kabila ng busy schedules nila ay nagbibigay sila ng oras na magagawa nilang makipaglaro sa kanilang mga anak. Ayon pa kay Melai ang isa sa pinakamahalaga din na itinuturo nila sa kanilang mga anak ngayon ay ang pananampalataya sa Diyos at mabuting pakikitungo sa kapwa.
