Connect with us

Showbiz

Melai Cantiveros Pinahanga Ang Mga Netizens Sa Kanyang ‘New Look’ Version 3.0

Published

on

Pina-wow ng aktres at Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros ang maraming mga netizens sa kanyang new look na makikita nga sa mga bagong larawan niya na kanyang ini-upload sa social media.
Kung ating babalikan, si Melai Cantiveros ay isa sa mga personalidad sa showbiz ngayon na nagsimulang umarangkada ang showbiz career ng siya ay tanghalin bilang Big Winner sa reality tv show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother. Matapos nga ang kanyang pagwawagi sa nasabing reality show, ay dito na nga nagsimulang magbukas ang maramin oportunidad sa kanya na naging daan upang matamasa niya ang kasikatan at magandang buhay na mayroon siya ngayon.

Isa sa mga oportunidad na nagbukas kay Melai sa mundo ng showbiz, ay ang pagiging isa niyang host ng morning show ng Kapamilya network na “Magandang Buhay” kung saan isa nga siya sa mga host nito, at kasama niya rito sina Karla Estrada at Jolina Magdangal. Tunay siyang kinagigiliwan ng maraming mga manonood ng nasabing programa dahil nga maliban sa galing niya sa pagho-host ay naghahatid din siya ng positive vibes dahil sa mga pagpapatawa na kanyang ginagawa gamit ang kanyang mga birada at jokes.

Matatandaan na kahit noong nasa loob pa lamang ng PBB house si Melai at isa pa lamang ngang housemates ay marami ng mga netizens ang talagang minahal siya, ito ay dahil nga sa kanyang ipinakitang personalidad, kung saan ito nga ay ang pagiging natural na komedyante na hanggang ngayon ay taglay niya kaya naman patuloy pa rin siyang minamahal ng maraming mga manonood.

Samantala, kamakailan nga lamang ay muling pinag-usapan ng maraming netizens si Melai, matapos nga nitong magbahagi ng kanyang mga larawan na naging agaw-pansin kaagad sa mga netizens dahil sa kapansin-pansin nga ang pagigng blooming-look ngayon ng actress-tv host. Makikita kasi sa mga bagong uploaded picture ni Melai sa kanyang Instagram na litaw na litaw ang kanyang kagandahan.

Ang magandang larawan ni Melai na kanyang ibinahagi ay kuha habang siya ay nasa set ng programang Magandang Buhay kung saan isa nga siya sa mga host nito. Makikita na nakasuot si Melai ng magandang dress at nakasuot ng faceshield, ngunit ang mas napansin nga ng mga netizens ay ang new look niya dahil sa kanyang blonde hair na nagbigay nga sa kanya ng fresh at young look awra.

Mas lalo pa ngang pinuri ang new look at kagandahan ni Melai ng magbahagi pa siya ng larawan niya na kuha ng dumalo siya ng isang kasal, kung saan siya naan ay nakasuoy ng maxi dress na bagay na bagay sa kanya at tinernuhan pa nga niya ito ng rattan bag at high heels. Dahil sa magandang kasuotan at batang-batang look dahil sa kanyang colored hair, ay tila nga nagmistulang modelo si Melai sa larawan niya na ito.

“At the wedding of my sissyani @mayorajove And @brbssss ,mamaya ko sila ipopost pero shoutOut muna sa aking stylist @icavillanueva for my outfit ♥️♥️♥️”, ang naging caption ni Melai.
Talaga namang napakaraming mga netizens ang humanga sa kagandahan na taglay ni Melai, ngayon sa kanyang new look.