Connect with us

Showbiz

Meryll Soriano Ibinahagi Kung Gaano Kasaya Ang Buhay Niya Sa Pagiging ‘Mom Of Two’

Published

on

Marami ang nagsasabi na ang pagkakaroon ng anak ay tunay na nakapagbibigay kasiyahan sa buhay, lalo na sa mag-partner o mag-asawa. Kaya naman pangarap nga ng maraming couple ang gusto rin ang magkaroon ng anak, ngunit batid natin na sa pagkakaroon nito ay marami tayong mga bagay na dapat isaalang-alang dahil hindi nga naman magiging ganoon kasimple ang buhay kapag ikaw ay mayroon ng anak, lalo na sa panahon ngayon.

Una nga sa dapat siguruhin sa pagkakaroon ng anak ay kung sapat ba ang financial budget ng couples para sa mga magiging pangangailangan ng kanilang magiging anak at maging sa mga darating na hindi inaasahang emergency.

Sa pagkakaroon din ng anak ay tunay na marami kang mga magiging karanasan, kagaya na lamang ng walang tulog sa gabi lalo na kung may sakit ang iyong anak, at kung ikaw naman ay isang working parent mararanasan mo din ang lumiban sa iyong trabaho dahil mas prayoridad mo nga na alagaan ang iyong anak kapag ito ay mayroong sakit.

Ngunit sa kabila nito, marami pa rin nga ang nagsasabi na iba ang dulot na kasiyahan ng mga bata at tunay na ang mga ito ay nakakatanggal ng pagod dahil tunay namang nakakaaliw at nakakagiliw kapag mayroong bata sa loob ng tahanan, at ito ay napatunayan na nga ng napakaraming mga ina.
Samantala, ang celebrity mom na si Meryll Soriano ang isa nga sa nagpatunay kung gaano ba kasarap at puno ng karanasan ang buhay ng isang ina, lalo na ngayon na siya ay mayroon na ngang dalawang anak.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay ginulat ni Meryll ang marami ng ipakilala niya sa publiko ang kanyang ikalawang anak, kung saan ang ama nga nito ay ang partner niya ngayon na si Joem Bascon. Isa na naman ngang baby boy ang ikalawang anak na ito ni Meryll, at makikita naman talaga sa mukha ng aktres kung gaano siya ka-happy sa panibagong biyaya na ito na ipinagkaloob sa kanya bilang isang ina.

“Ngayon, nanganak ako ulit, naging mother the second time around. Nagkaroon ng purpose”, ani Meryll.
Ibinahagi rin niya kung gaano si kabuti ang partner niyang si Joem, dahil sa pagpapadama nito ng labis na pag-aalaga at pagmamahal sa kanilang mag-ina sa kabila nga ng pagiging abala din nito sa trabaho.
“Nakakatuwa, grabe ang alaga sa akin at sa baby. Grabe ang pasasalamat ko, hindi ako nahirapan. Lahat ng kailangan ko – emotionally, physically, lahat yun”, dagdag na saad pa ng aktres.

Ayon nga kay Meryl, kahit hindi madali ang panganganak ay tunay namang ‘worth it’ kung ito ay kanyang ilalarawan, sapagkat ngayong nasa 1st stage sila ng parenting ay magkatuwang nga nila itong hinaharap ni Joem. Dagdag pa niya, nagiging magaan ang lahat dahil sa magkasama nilang hinaharap ni Joem ang lahat para sa kanilang napaka-cute na baby.