Connect with us

Inspiring

Mga Anak Tricycle Driver At Mananahi Nagpatayo Ng Mansiyon Para Sa Kanilang Mga Magulang

Published

on

Tunay ngang hindi matatawaran ang sakripisyo ng isang magulang para sa kanilang mga anak, na lahat ay kanilang kinakaya, maigapang lamang ang pangangailangan ng mga anak, lalo na ang pagkakaroon nito ng magandang edukasyon na magiging daan nito para magkaroon ng mas maganda at matagumpay na buhay.

At para sa mga anak na labis na minamahal ng kanilang mga magulang, ay ang pagmamahal din sa mga ito ang isang bagay na maari nilang maging ganti para sa lahat ng sakripisyo ng mga ito sa kanila.

Ngunit maliban dito ay may isa pang espesyal na bagay na nagpapasaya sa mga magulang na maaring maibigay ng kanilang mga anak, at ito nga ay ang makapagtapos ng kanilang pag-aaral na tanging hinahangad naman talaga ng kahit na sinong magulang sa kanilang mga anak.

Samantala, kamakailan lamang sa Facebook page ng “Peso Sense” ay mayroong isang istorya ng magkakapatid na talaga namang umani ng paghanga sa maraming mga tagasubaybay ng nasabing pahina,

at ito nga ay dahil sa kahit karaniwang tricycle driver ang kanilang ama at ang ina naman nila ay isang mamanahi ay nagawa nilang mapagtapos ang kanilang mga anak, na naging daan nga upang ang bawat isa sa mga ito ay maging matagumpay sa kani-kanilang karera sa buhay.

“Share ko lang po … Isa pong tricycle driver ang tatay ko (nakikiboundary lang din, walang sariling tricycle). Ang nanay ko naman po ay mananahi (pakyawan). Yung kita po nila sa isang araw ay hindi fix, depende sa gawa at tyaga,

ayun lang ang maiiuwing pera. Sobrang hirap po ng pinagdaanan, naging working student kami ng kapatid ko at lahat kami ay pinilit na maging scholar. Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Elecrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer. Sa tulong po ng dasal, tyaga at sipag, nakapasa din po kaming lahat sa board exam (1 take)”.

Dagdag pa ng nagbahagi ng post na ito na siya ngang panganay sa apat na magkakapatid, ay malaki umano ang pasasalamat nila sa kanilang mga magulang dahil sa sakripisyo at pagtaguyod ng mga ito sa kanilang pag-aaral.

At siyempre ipinagpapasalamat din nila ang lahat ng naging tagumpay nila sa Poong Maykapal, dahil sa ito naman talaga ang duminig ng mga panalangin nila na mabigyan ngang katuparan ang kanilang mga pangarap sa buhay.

“Siguro po alam ni Lord kung gaano ang sakripisyo ng mga magulang namin para lang maitawid kami sa tagumpay. At ayan din po, sa awa din ng Diyos, nakapagpatayo na din kami ng sariling bahay. Buong buhay po namin, nakatira lang kami sa isang maliit na apartment, ilang hakbang lang nasa kusina at banyo ka na. ? Natutulog kami sa sala.? -Eto po ay patunay na may Diyos. Nakikita nya ang lahat.

Kailangan lang po nating manalig at sabayan ng tiwala, sipag at tyaga. Kaya po natin maabot ang lahat, kahit kapos, kahit mahirap. Salamat mga ka-PESO ???”.

Umani naman ng napakaraming mga papuri ang post na ito, at naghatid din ng inspirasyon para sa maraming mga anak na patuloy ring nagsusumikap na bigyang katuparan ang kanilang mga pangarap, hindi lang para sa kanilang sarili kundi lalo’t higit para sa kanilang mga magulang.