Connect with us

Inspiring

Mga Lola Ang Kinaaliwan Matapos Maging “Flower Lola’s” Sa Kasal Ng Kanilang Apo

Published

on

Tunay nga naman na isa sa pinakamasayang araw para sa isang babae ay ang maikasal sa taong kanyang minamahal, at sa espesyal na araw din na ito ay makasama niya ang kanyang buong pamilya. Lahat nga naman ng kababaihan ay nangangarap na magkaroon ng isang maganda at memorableng kasal na talagang tatak sa kanyang puso at isipan, kaya naman karamihan sa mga nagpapakasal ay talagang pinaghahandaan ang espesyal na araw na ito sa kanilang buhay.

Samantala, batid naman natin na sa mga kasalan ay ang mas binibigyan ng pansin ay ang napakagandang bride at ang wedding gown na suot suot nito sa araw ng kanyang kasal. Ngunit kamakailan nga lamang, sa isang naganap na kasal, ay maliban sa ganda ng bride ay nagbigay aliw at pansin din sa mga mata ng mga panauhin ng nasabing okasyon ang mga “Flower Lola’s”.

Kamakailan nga lamang ay may isang bride na ikinasal, at imbis na mga batang babae nga ang kanyang maging flower girl, ay ang kanyang mga ang siyang naging “Flower Lola’s” sa kanyang kasal.
Sa Facebook account nga ng kinilalang bride na si Ronna Uy-Canete na mula sa Davao del Norte,

ay ibinahagi niya ang kuwento sa likod ng kanyang ipinost sa Facebook niya kung saan nga ay makikita sa mga larawan na kuha sa naging kaganapan ng kanyang naging kasal noong ika-5 ng Mayo taon ng kasalukuyan na ang kanyang mga Lola ang naging “Flower Lola’s” niya.

Ayon nga kay Ronna, labis ang kasiyahan na nadama ng kanyang Lola Estrella Uy at Lola Nena Oquias na parehong 75-taong gulang ng ang mga ito nga ay maglakad sa aisle bilang mga “Flower Lola’s’ niya nu’ng araw ng kanyang kasal.

Dagdag niya, hiniling niya umano sa kanyang mga lola na maglakad ang mga ito sa aisle sa araw nng kasal niya, kung kaya talagang na-excite ang mga ito lalo na nga’t sila ay magiging kagaya ng mga flower girl.

Ibinahagi rin ni Ronna na sobrang malapit siya sa kanyang mga lola, dahil sa dito siya lumaki at halos ang mga ito ang nag-aruga sa kanya nu’ng siya ay bata pa. Naalala pa nga umano niya noon na hatid sundo siya ng kanyang Lola Nena, at ipinagluluto pa siya nito ng pagkain.

Kuwento pa niya, siya ang kauna-unahang apo ng mga ito na ikakasal, kaya naman talagang labis ang suporta at ipinagmamalaki siya ng kanyang mga Lola. Base sa ulat, ang kasal ni Ronna ay naganap sa Sagrado Corazon de Jesus Nazareno Parish sa Tagum City, kung saan ay dinaluhan ito ng kani-kanilang mga pamilya.