Connect with us

Entertainment

Mga Malambing Na Larawan Ng Mga Anak Ni Andi Eigenmann Hinangaan Ng Mga Netizens

Published

on

Muli na namang kinabiliban ng publiko ang anak ng mag-fiancée ng sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo. Hindi lang kasi ito bibo at pinaka-kyut na bata, kundi ay napaka-malambing at mapagmahal din nito sa kanyang nakababatang kapatid sa kabila ng kanyang murang edad.

Tulad nga ng ibang mga bata, ay isang kagiliw-giliw na bata ang panganay na anak nina Andi at Philmar na si Lilo. Maliban pa dito ay napakabibo nito, na talaga namang naghahatid ng goodvibes, hindi lang sa kanyang mga magulang kundi maging sa mga taga suporta ng kanyang pamilya.

Samantala, matatandaan naman na noong nakaraang taon ay naging ganap na isang ‘Ate’ na ang panganay na anak nina Andt at Philmar na si Lilo. Ito ay matapos ngang isilang ng dating aktres na si Andi Eigenmann ang ikalawang anak nila, na si Baby Koa.

Sa murang edad naman ni Lilo, ay agad namang nakitaan ito ng kanyang mga magulang ng pagiging isang malambing at mapagmahal na ate sa kanyang nakababatang kapatid, kung saan ito nga ang ibinahagi ni Andi sa kanyang Instagram kamakailan lamang.

Kamakailan nga ay ipinakita ni Andi sa kanyang IG post ang mga larawan kung gaano kalambing at ka-sweet ang kanyang anak na si Lilo sa kapatid nito na si Baby Koa.

Makikita sa mga ibinahaging larawan ni Andi ang malambing na pagyakap ng kanyang anak na si Lilo kay Baby Koa, at kitang-kita nga kung gaano ito ka-sweet sa kanyang baby na kapatid dahil tila halos ayaw niya na itong bitawan at nais nga lamang na yakapin ito.

Kagiliw-giliw nga naman tingnan ang mga larawan, lalo na’t maliban sa kanyang pagiging sweet na kapatid ay ipinamalas din ni Lilo ang kanyang kakyutan. Kalakip naman ng nasabing larawan ay ang caption ni Andi, kung saan ay pabiro nga nitong sinabi na hindi niya sigurado kung nag-eenjoy ba ang munting baby na si Koa sa ginagawa ng Ate Lilo niya na pagyakap at paghalik sa kanya.

“Not quite sure if Koa enjoys it he doesn’t have much of a choice right now”, ani Andi.
Bilang isang ina nga ay napaka-hands on ni Andi sa kanyang mga anak, kaya naman kitang-kita kung paano niya na nagpapalaki ng maayos ang mga ito. Malaking achievement din para kay Andi bilang isang ina, na makitang ang kanyang mga anak ay sobrang lapit sa isa’t isa.