Connect with us

Inspiring

Mga Netizens Bumilib Sa 16-Taong Dalaga Na Mayroong 200 Pirasong Mga Medalya Na Nakamit Niya Sa Pag-aaral At Pagsali Sa Mga Pageant

Published

on

Ang pagkakaroon ng medalya, ay simbolo ng tagumpay at karangalan na nakamit ng isang tao, kaya naman marami talaga ang naghahangad na magkaroon nito, lalo na sa mga mag-aaral na nagsusumikap mag-aral, upang sa kanilang pagtatapos ay magkaroon sila ng karangalan at medalya na kanilang maipagmamalaki.

At kung ang pagkakaroon nga ng isang medalya ay nakaka-proud na, paano pa kaya pag napakaraming medalya ang iyong naipon sa iyong pag-aaral at pagsali sa iba’t ibang mga patimpalak.

Nito nga lamang nakaraan, ay nag-viral ang isang estudyante sa Lingayen, Pangasinan matapos niyang ibahagi online ang larawan ng kanyang napakaraming mga naipong medalya mula sa kanyang pag-aaral at mga pageants na napanalunan.

Maraming mga netizens ang napabilib nng 16-taong gulang na estudyante, na kinilalang si April Cristelle T. De Leon. Ito ay dahil sa pagkakaroon niya ng 200-pirasong mga medalya, na nakuha niya sa ilang taon na niyang naging pag-aarla at pagsali sa iba’t ibang mga kompetisyon tulad ng pageant, mula noong siya ay bata pa.

Ayon sa ulat, si April Cristelle ay isa sa mga batang journalist sa kanilang paaralan, na madalas na nagiging representante sa mga iba’t ibang “various competition” ng mga paaaralan. Siya rin umano ang Editor-in-Chief ng The Sea Breeze (Lingayen I CS) at ng The Gulf View (Pangasinan NHS), dalawa sa mga multi-awarded school sa Pangasinan.

Maliban naman sa mga academic achievements na ito ng 16-taong gulang na dalaga, ay ilan din sa kanyang mga medalya ang nagmula sa pagsali niya sa mga pageants tulad ng, Miss Earth, Lakambini ng Wika, Miss A1, at Miss United Nations.

Samantala, sa pagbabahagi nga ni April ng larawan ng kanyang mga medalya, ay kalakip nito ang caption, na nagsasabi ng dahilan kung bakit niya ito ibinahagi. At ayon nga sa dalaga, ay kinuhaan niya ng larawan ang mga ito bilang pagpapa-alam niya, dahil sa siya’y magtutungo na sa ibang bansa, upang doon magpatuloy ng kanyang pag-aaral.

“These memories will forever be treasured and will always be with me wherever I go. Goodbye Lingayen, Pangasinan…”, ang naging saad ni April.

Bata pa nga lamang si April Cristelle ay talagang madalas na nangunguna na siya sa kanyang klase, kung saan simula Grade 1 hanggang Grade 6 ay siya ang ‘first’ sa kanilang klase. Nagtapos rin siyang valedictorian sa Pangasinan National High School (PNHS), kung saan ay nag-iisa lamang siya sa na nakakuha ng pinakamataas na parangal na may general average na 98-100.

Hinirang din siya bilang “Most Outstanding Campus Journalist” sa ginanap na National School Press Conference noon sa Ormoc. “I posted it po kasi hindi ko na po sila madadala sa Chicago. I posted din po kasi wherever I may go,

they will serve as a reminder that there was a time in my life that I received those achievements. For whatever achievements I have, they are the fruits of sacrifices, perseverance, and undying determination, believing that for every drop of tears I shed, for every defeat I suffered there is ore than equal reciprocation.”

Dagdag na saad pa ng dalaga, plano pa rin niyang bumalik sa bansa [Pilipinas] para dito ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maging ‘Iskolar ng Bayan’ ng Unibersidad ng Pilipinas (UP). Siya ay kukuha ng kursong Biology, at pag natapos ito, ay magtutuloy siya sap ag-aaral sa Medical School.