Connect with us

Entertainment

Mga Netizens Hinangaan Ang Kagandahan Ni Maris Racal Sa Kanyang Mga Larawan

Published

on

Kamakailan nga lamang ay nagdiwang ng kaarawan ang aktres na si Maris Racal, at sa espesyal na araw nga na ito sa buhay niya, ay kanyang pinahanga ang marami sa kanyang naging agaw eksenang photoshoot.

Si Maris Racal ay isa sa mga talented at mahusay na aktres sa industriya ng showbiz, hindi lang kasi siya mahusay sa pag-arte, magaling din siyang mang-aawit at batid niya rin kung paano ang tumugtog ng gitara. Nagsimulang tumingkad ang karera ni Maris ng maging housemates siya ng Pinoy Big Brother house.

Samantala, hindi nga lamang tayo sa husay sa pag-arte at pag-awit ni Maris hahanga, dahil kamakailan lamang ng ipagdiwang niya ang kanyang kaarawan, ay maraming mga netizens ang kanyang pinabilib sa kanyang angking kagandahan sa ginawa niyang birthday photoshoot.

Noon ngang magdiwang ng kanyang kaarawan ang aktres, ay isang birthday photoshoot nga ang kanyang ginawa. At ito nga ay naging matagumpay at lumabas na napakaganda, sa tulong ng kanyang photographer na si BJ Pascual, at ng iba pang mga professionals na sina Eldz Mejia, Adrienne Concepcion at iba pa.

Ang magaganda ngang larawan ni Maris na kinunan sa kanyang birthday photoshoot ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account, at ito ay nilakipan niya ng caption na; “Ad just like that, I turned 24”, saad ng aktres sa kanyang IG post.Tunay namang napaka-hot ni Maris sa kanyang mga larawan, kung saan makikita na siya’y nakasuot ng manipis ng damit habang basang-basa n tubig, ‘wet look’ naman talaga.

Maliban sa kanyang ‘hot wet look’ ay nakakahanga pa ang mga ‘pose’ ni Maris, kaya naman marami ang mga netizens na talaga namang labis na humanga sa kanyang kagandahan. Naging ‘wet and wild’ nga ang peg ng aktres sa iba pa niyang mga larawan.

Agad namang bumuhos ang mga pagbati para kay Maris sa kanyang ika-24 taong kaarawan, at maliban pa sa pagbati, ay nakatanggap din siya ng mga papuri dahil sa mga nag-gagandahan niyang larawan.
Ilan sa mga kapwa celebrity ni Maris na nagpaabot sa kanya ng pagbati ay sina Chienna Filomeno, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Elise Joson, Donna Bartolome, Boyband PH Russel Reyes at marami pa ngang iba.

Hindi rin naman nagpahuli na magbigay ng mensahe ng pagbati sa aktres ang kanyang nobyo ngayon na si Rico Blanco. Kung saan ay nag-post nga ito ng larawan ni Maris, na may caption na, “Happy birthday madam. Love you so much po.”