Showbiz
Mga Netizens Humanga Sa Mga Larawan Ni Anne Curtis “Parang Di Nanganak”

Muling pinamangha ng celebrity mom na ngayon na si Anne Curtis ang kanyang mga tagahanga, matapos niyang ibida ang kanyang seksing-seksi muling pangangatawan, 8-buwan matapos niyang manganak.
Pinatunayan ni Anne Curtis, na siya pa rin ang nag-iisang “Diyosa” ng kagandahan at kaseksihan, ito ay sa kabila ng pagiging isa na niyang mommy ngayon ng kanyang baby na si Dahlia Amelie.
Matatandaan na isinilang ni Anne ang panganay niyang anak na si Dahlia Amelie, noong buwan ng Marso 2020. At ang host-actress, ay nagsilang sa bansang Australia, kung saan sila pansamatalang namamalagi ngayon, ng kanyang asawang si Erwan Heusaff.
At ilang buwan nga lamang matapos ang naging panganganak ni Anne, ay proud na proud na niyang ibinahagi sa social media ang kanyang”post-baby” body figure, kung saan ito ay talaga namang ikinamangha ng maraming mga netizens, at kapwa niya mga artista at celebrity mom, dahil talaga namang siya ay seksing-seksi ng muli .
Nito nga lamang nakaraan, makikita sa Instagram page ni Anne Curtis ang kanyang naging pagbabahagi ng mga bago niyang larawan. At ito nga ay talaga namang ikinamangha ng marami, dahil sa makikita ang kanyang kamangha-manghang “post-baby” body figure, na tila hindi nga naman dumaan sa panganganak dahil sa kinis at flat na flat muli ang kanyang tyan.
Sa nasabi ngan larawan ng It’s Showtime host ay makikita ang naging pagsuot nito ng midriff-baring top na tenernuhan niya ng waisted shorts, kung saan ay ipinakita nga nito ang napaka-flat ng tyan ni Anne, na may “abs” pa. Makikita rin ang kanyang napakagandang hugis ng hita, na nagpadagdag pa lalo sa kanyang nakakamanghang kaseksihan.
Ang larawan ngang ito ni Anne, ay nilakipan niya ng caption na; “Finally, some [sun emoji] and [water emoji]”. Ang larawan ngang ito ni Anne ay mayroong background ng magandang tanawin, kung saan ay matatanaw ang bughaw na karagatan at makikita rin ang magandang pagsikat ng haring araw.
Marami naman sa mga nakakakitang netizens sa larawan na ito ni Anne Curtis, ang hindi napigilan ang mapa-wow at mamangha sa taglay pa rin na kaseksihan ng It’s Showtime host, kahit pa nga ba ilang buwan pa lamang matapos nitong manganak.
“Parang di nanganak”, ito nga ang karamihan sa mga naging komenton’t papuri kay Anne ng maraming mga netizens. Samantala, maging mga kapwa artista ni Anne sa showbiz, ay ikinamangha rin ang nakitang “post-baby” body figure niya, kabilang na nga sa mga ito ay sina Solenn Heussaff, Sarah Lahbati at Jessy Mendiola.
