Connect with us

Entertainment

Mga Netizens Humanga Sa “Mukhang Bagets” Na Resulta Ng Fitness Journey Ni Dimples Romana

Published

on

Hinangaan ng maraming netizens ang aktres na si Dimples Romana, ito ay matapos nga niyang ibahagi sa kanyang Instagram account ang kanyang mga larawan, kung saan ay makikita ang naging malaking pagbabago at magandang resulta ng kanyang ginawang fitness journey, magmula ng ito ay kanyang simulan, ilang buwan pa lamang ang nakaraan.

Agad kasing mapapansin sa mga larawan ng aktres, ang malaking pagbabago sa kanyan pangangatawan, kung saan ay mas slim, git at sexy na nga siya ngayon. Ibinahagi pa ni Dimples sa caption ng larawan na kanyang ibinahagi, na ngayong tila nagbalik na ang kanyang katawan noong siya’y dalaga pa, ay malaki nga nag kanyang natipid, dahil hindi na niya kinakailangan pang bumili ng mga bagong damit, sapagkat nasusuot na niya ang mga damit niya noon na hindi na nagkasya sa kanya.

Pagbabahagi nga niya sa kanyang naging post, tila nga parang napaka-imposible na nakaya niyang gawin, dahil kung pagmamasdan at titignan ang kanyang personalidad, ay napakalampa niya, sobrang takot pa, at nahihiya pa nga mag-ehesisyo lalo na kapag maraming mga tao. Ngaunit, ayon kay Dimples, sa ganitong panahon na marami nga ang lumalaganap na karamdaman, ay mas mainam na gawin natin ang mga bagay na makakatulong sa atin na palakasin ang ating katawan at kalusugan.

“Napaka-imposible lalo na kung kilala mo ako as a person. Sobrang l𝔞mpa ako, sobrang t𝔞kot ako at tsaka nahihiya akong mag-exerc𝔦se lalo na pag maraming ibang tao.’ ‘Since 2021 is telling us that we should l𝔦ve our l𝔦fe to the fullest and make sure that we are he𝔞lthy. That we b𝔬ost our 𝔦mmune system and also we build up our res𝔦stance especially maraming s𝔞k𝔦t ng𝔞yon. I’m going to dive in.’
Ayon pa kay Dimples hindi lang ang maging slim ang kanyang goal sa ginawa niyang fitness journey, kundi ito ay upang mas palakasin pa ang kanyang katawan at kalusugan.

Ang kaibigan niya ngang si Eds Sobrividas ang kanyang kinuhang fitness instructors, para sa isang group exercise, kung saan ayon nga kay Eds ang group exercise ay ‘good for beginners.’ Dagdag pa nito, ang ehersisyong ito ay maganda para sa magpapamilya na nais na mag ehersisyo ng sabay sabay.
Agad namang nakita ni Dimples ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan, kahit nga ilang buwan pa lamang niya itong ginagawa.

Talaga namang nakakabilib ang napakaganda ng hubog ng pangangatawan ngayon ni Dimples, kung saan ay mas naging ‘blooming’ nga ito, at hindi mo aakalain na ito ay isa ng ina at may asawa na, sapagkat sa awra nga niya ngayon ay aakalain siyang ‘bagets’.