Connect with us

Showbiz

Mga Netizens Humanga Sa Nagagandahang Larawan Ni Kapuso Actress Sanya Lopez

Published

on

Si Sanya Lopez ay isa sa mga kilalang aktres at mang-aawit ngayon. Siya ay napansin ng publiko at mas nakilala pa nga matapos ngang ibalita noong taong 2016 na siya ang gaganap bilang bagong Hara Danaya sa naging muling pagsasabuhay ng GMA network ng fantaserye na Encantadia. Matatandaan na ang Encantadia ay unang umere sa telebisyon noong taong 2005, kung saan ito nga umano ang grandest, ambitious at pinakamalaking fanataserye sa Pilipinas.

Nang gampanan nga ni Sanya ang pagiging si Hara Danaya sa naging pinakabago at klasikong Encatadia noong 2016 ay talaga namang kanyang ipinamalas ang angkin niyang husay at galing sa pag-arte. Marami ring mga netizens ang nakapansin ng kanyang angking kagandahan.

Samantala, kahit naman ilang taon na rin ang lumipas mula ng makilala sa mundo ng showbiz si Sanya, hanggang ngayon naman ay patuloy niya pa ring ipinapakita sa lahat na sa pagdaan ng panahon ay hindi kumukupas ang kanyang angking ganda, bagkus ay mas lalo pa nga itong kumikinang kasabay ng kanyang karera bilang isang aktres.

Nito nga lamang nakaraan, sa kabila ng krisis na ating kinahaharap, ay kabila-kabila pa rin ang mga photoshoot ni Sanya, kung saan ay lumabas pa nga sa Instagram ang kanyang mga nagagandahang larawan kaya naman talagang umagaw ito ng pansin sa marami, lalo na nga sa kanyang mga tagasubaybay.

Bumuhos nga ang papuri sa kagandahang taglay ni Sanya sa mga bago niyang larawan sa Instagram, ang ilan nga ay napa-komento ng “Uwian na may nanalo na huhuhu”, “Ganda”, “Pinakamagandang Dyosa”, at “Grabe, goddess.”

Makikita naman talaga sa mga larawan ni Sanya kung gaano mas kumikinang ang kanyang angking kagandahan habang siya nga ay tumatagal sa industriya ng showbiz. Isinilang noong ika-9 ng Agosto taong 1996 si Sanya Lopez o sa tunay na buhay ay kilala bilang si Shaira Lenn Osuna Roberto sa Malolos, Bulacan,

at sa nasabing lugar din nga na ito siya lumaki. Ang kanyang mga magulang ay sina Marlyn Roberto at Ramil Roberto. Dalawang taong gulang pa lamang si Sanya, ng siya ay maulila sa mga magulang matapos ngang pumanaw ng mga ito. Kilala rin si Sanya bilang ang nakababatang kapatid ng Kapuso actor na si Jak Roberto. Sa kasalukuyan ay naninirahan ngayon sa Quezon City si Sanya kasama ang kanyang Kuya Jak.