Inspiring
Mga Netizens Humanga Sa Pinoy Olympian Boxer-Silver Medalist Na Si Carlo Paalam Dahil Sa Paggamit Perang Napanalunan Sa Pagnenegosyo

Hindi lamang sa pagiging isang Olympian Boxer-Silver Medalist hinangaan ngayon ng marami si Carlo Paalam, dahil mas humanga pa ang marami sa kanya dahil sa matalinong paraan na kanyang ginawa sa perang napanalunan niya. Kung ang iba nga, kapag nagkakaroon ng malaking halaga ng pera ay kung ano-ano ng gastos ang iniisip gawin at kung ano-ano ang nais bilhin, para naman kay Carlo Paalam ay kailangan na masigurado niya na sa tama mapupunta ang malaking perang kanyang pinaghirapan, kaya naman ito ay ininvest niya sa negosyo.
Imbis ngang ibili ni Carlo ng mga mamahaling bagay na wala siya ang perang mayroon siya, ito nga ay wais niyang ipinasok sa negosyo. Siya ay nagtayo ng isang paupahan, ito ay isang 2-storey commercial building na may mini store na tinawag nga niyang ‘Paalam Store’ at matatagpuan nga ito sa kanyang hometown sa Cagayan de Oro.
Makikita sa social media account niya ang masayang pagbabahagi niya ng mga larawan kung saan ay kanya ngang ibinida ang mga naipundar niyang negosyo. Maliban pa dito ay nais pa ngang madagdagan ni Carlo ang kanyang investment. Nais pa umano niyang mag-alaga ng iba’t ibang mga hayop na maari niyang pagkakitaan, kagaya na lamang ng manok, baboy at kung ano-ano pa.
Dahil sa matalinong paggamit ni Carlo ng kanyang perang pinaghirapan ay marami ngang mga netizens isa ang humanga sa kanya. Ang iba ay na-inspire pa sa kanya dahil sa madiskarteng pag gamit niya ng kanyang pera.
Si Carlo Paalam ay isa sa mga boksingero ngayon na nagsisimulang bumuo ng kanyang pangalan sa larangan ng boksing. Sa kanyang husay at galing sa paglalaro, ay marami nga ang nagsasabi na malayo ang mararating niya sa pagbo-boksing. Ngunit para nga kay Carlo ay walang kasiguraduhan kung masusundan ba niya ang yapak ng sikat na boksingero sa ating bansa na si Manny Pacquiao, kaya naman ngayon na may malaking halaga siya ng perang napanalunan dahil sa pagbo-boksing ay kaagad niyang sinigurado na ito ay magagamit niya o ng kanyang pamilya hanggang sa hinaharap sa pamamagitan nga ng pag-invest niya sa negosyo.
Tunay ngang mahalaga na ang perang ating pinaghihirapan ay magagamit natin sa tamang pag-gastos. Wala nga namang kasiguraduhan kung hanggang kailan tayo kikita ng malaki sa isang bagay na ating pinagkakakitaan, kaya mas mainam na may investment na siya ngang back-up natin sa ating hanapbuhay.
