Connect with us

Showbiz

Mga Netizens Kinagigiliwan Ang Masayang Larawan Ng Mag Asawang Kaye Abad At Paul Jake Castillo

Published

on

Teenager pa lamang si Kaye Abad ay naipamalas na niya sa publiko ang kanyang husay at galing bilang isang aktres sa mga teleserye at pelikula na kanyang kinabilangan. Kaya naman hindi nakapagtataka na maraming mga manonood ang tunay na hinahangaan siya at inaabangan nga siya sa bawat proyekto nya.

Sa kabila ng matagal na panahon na magmula ng simulan ni Kaye ang kanyang showbiz career, hanggang ngayon nga ay patok na patok pa rin siya sa masa, ito ay sa kabila rin ng napakarami ng mga bago at mas batang aktres ang nakikilala at sumisikat. Pasok na pasok nga sa maraming mga Pinoy ang pag-arte ni Kaye kaya naman hindi nakapagtataka na talagang marami ang humahanga at umiidolo sa kanya na mga Pinoy.

Samantala, hindi lamang sa pagiging isang mahusay na aktres hinahangaan ngayon si Kaye, dahil kahanga-hanga rin para sa marami ang pagiging isa niya ngayong butihin, maalaga at mapagmahal na asawa at ina sa kanyang mga anak, kaya naman talagang makikita sa aktres ang pagiging isang ideal wife at ideal mother.

Tila nga wala ng mahihiling pa si Kaye sa kanyang buhay, dahil sa makikita naman talaga sa aktres kung gaano katiwasay ang buhay niya ngayon sa piling ng binuo niyang pamilya. sa latest post ng aktres ang pagbabahagi niya ng family photo nila ng kanyang pamilya, kung saan ay masayang-masaya sila ng kanyang asawa at kanilang mga anak. Ito rin ang unang pagkakataon na kasama nila sa larawan si Inigo kaya naman talagang masayang-masaya sila lalo na nga’t kumpleto sila.

“Finally, a family photo with Inigo #forrichjerorpoorjer”, ang naging lahad ngang caption ni Kaye sa naturang larawan nila ng kanyang pamilya. Agad naman umani ng mga positibong komento mula sa mga netizens ang post na ito ni Kaye, at marami ang tuwang-tuwa na makita kung gaano kasaya ang aktres sa buhay na tinatahak niya ngayon bilang isang asawa at ina sa kanyang dalawang anak na sina Joaquin at Inigo.

Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens na giliw na giliw sa larawan ng pamilya. “Great picture! GOD BLESS your family! Stay humble and kind idol…” “So sweet, and happy family and God bless you always both of you.” “Absolutely precious! Wonderful and very nice family… God bless… Happy Family.. Nice picture.. Your so beautiful Miss Kaye.. my ultimate idol..”