Showbiz
Mga Netizens Kinagigiliwan Ang Nakakatuwang Pictorial Ni Regine Tolentino At Ng Kanyang Pamilya

Ang pamilya ni Regine Tolentino ay isa sa mga pamilya na talaga namang nagkaroon ng pa-pictorial bago pa man dumating ang araw ng Pasko. Ang nasabi ngang photoshoot ng pamilya ni Regine ay ginanap sa studio ni Ms. Christine Kiac na matatagpuan nga sa Quezon City. Talaga namang ang larawan ay masasabi rin natin na napakahalaga sa buhay ng isang tao, sapagkat ito ay isang bahay kung saan mo maaring masilayan at mulik balik-balikan ang mga alaala, kung kaya naman marami sa atin ang gustong-gusto na nagpapakuha ng mga larawan.
Samantala, sa larawan na ibinahagi ni Regine ay ang studio at ang background na gagamitin para sa pictorial nila ng kanyang pamilya. Ayon nga sa aktres, ay handa na rin ang mga outfit nila na magma-match sa mga backdrop nila, una na nga rito ay ang jewel tones, kung saan ay nagsuot nga siya ng blue sleeveless dress na naka-match pa sa kanyang kwintas na gold chain.
Ang isa naman sa dalagang anak ni Regine na si Reigne ay nakasuot naman ng maroon na sleeveless din na dress, samantala ang anak niyang si Regien ay nakasuot naman ng green na longsleeve, samantala ang bunsong anak niya na si Rossie ay nakasuot naman ng mustard sleeveless dress. Makikita naman na nakasuot ng satin polo ang partner ni Regine na si Dondi Narciso.
Sumunod naman na outfit ng pamilya ay ang pang winter, kung saan ito nga ay mayroong iba’t ibang mga prints. Comfy sleepwear naman ang huling naging outfit ni Regine at ng kanyang pamilya para sa kanilang white set-up at jewel tone backdrop. Ang suot nga ng pamilya na sleepwear ay kulay orange na may print na polka dots na puti.
Makikita naman na labis na nag-enjoy ang pamilya sa naging pictorial nila, at sa kabila ng pagod nila sa mga pose na kanilang ginawa at pag change outfit ay hindi naman ito mababakas sa kanila, sapagkat kita pa rin sa kanila ang kasiyahan base na rin sa mga ngiti nila. Tunay na iba ang kasiyahan kapag kasama mo ang iyong buong pamilya, lalo na nga sa pagdiriwang ng holiday season. At talaga namang sa mga ganitong okasyon ay hindi nawawala ang pagkuha ng mga larawan, dahil isa ito sa mga magaganda at masasayang pangyayari sa buhay na masarap balikbalikan at alalahanin.
