Showbiz
Mga Netizens Kinagiliwan Ang Mga Larawan Ng Mag-Asawang Coleen Garcia At Billy Crawford

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford ang ika-11 buwang gulang ng kanilang anak na si baby Amari, at tunay nga naman na kaybilis ng paglipas ng panahon dahil halos ilang araw na lamang ang bibilangin ay ipagdiriwang na ng naturang sanggol ang kanyang ika-1 taong kaarawan.
Hindi naman maikakaila na sa unti-unting paglaki ng panganay na anak nina Coleen at Billy na si Baby Amari ay mas lalo pa ngang lumilitaw ang taglay na kakyutan at kabibohan nito, na namana niya sa kanyang mga magulang.
Samantala, batid naman ng marami sa atin na parehong nagtataglay ng kagandahan ay kagwapuhan ang mga magulang ni baby Amari na sina Coleen at Billy, at maging noon pa mang sila ay bata pa ay katulad rin sila ng kanilang panganay na anak na si baby Amari na taglay din ang kakyutan na kagiliw-giliw.
Ito nga ay napatunayan ng nito lamang nakaraan ay lumabas sa social media ang mga baby pictures nina Coleen at Billy, kung saan ay makikita ang kanilang taglay na kakyutan nung sila ay mga bata pa.
Kaya naman asahan na ng lahat na sa paglaki ni baby Amari ay panigurado na marami rin ang hahanga sa kanyang taglay na kagwapuhan at karisma, dahil ang kanyang mga magulang ay pareho ngang nagmula sa maganda at gwapong mga lahi.
Ngayon pa nga lamang na musmos pa lamang si baby Amari ay marami na ang giliw na giliw sa kanyang taglay na kakyutan at pagiging isang bibo, lalo na nga sa mga larawan at video niya na madalas ibahagi ng kanyang mga magulang.
kung titignan namang mabuti ang mga larawan nina Coleen at Billy nung sila ay mga bata pa ay hind inga nalalayo ang kanilang hitsura sa hitsura ng kanilang anak na si baby Amari, na taglay nga ang cuteness overload na nakakagigil.
Ano naman ang masasabi niyo sa mga larawan ng mag-asawang Billy at Coleen noong sila ay bata pa? Kayo ba ay ilan din sa mga napahanga sa kanilang taglay na kakyutan nung musmus pa sila?
Panigurado naman na mas marami pa ang mag-aabang sa paglaki ni baby Amari, kung ano nga ba ang magiging hitsura nito kapag siya ay nasa teen stage na. Siya kaya ay mas magiging kamukha ng kanyang ina kapag binata na siya, o mas magiging kamukha ng kanyang ama?
