Connect with us

Entertainment

Mga Netizens Kinagiliwan Si Luis Manzano Matapos Itong Mag Ala Zumba Instructor

Published

on

Muli na namang nagbigay ng nakaka-aliw na video vlog ang actrot-TV host na si Luiz Manzano sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay. Ito nga ay matapos niyang i-upload sa kanyang YouTube channel ang nakakaaliw na Zumba bonding nila ng kanyang inang si Vilma Santos-Recto,

kung saan ay nagsilbi pa siyang Zumba Instructor ng ina. Labis naman na kinagiliwan ng mga netizens ang naturang video na ito ng mag-ina, lalo na ng makita na nila ang outfit ni Luis Manzano.

Game na game ngang nakipagkulitan si Luis sa kanyang ‘momskie’ na si Vilma Santos, habang kasama ang mga Zumba classmates nito ay ipinapakita niya sa mga ito ang kanyang di umanoy talento at husay sa pagiging isang Zumba instructor.

Hindi naman napigil ni Vilma Santos, ang mapatawa ng biglang magbiro ang kanyang anak na si Luis, na dahil umano sa gipit ito kaya nito pinasok ang pagiging Zumba instructor. Dagdag na biro pa nga ng aktor-Tv host wala ng inaabot na paayuda ang kanyang ina, kaya naman ngayon ay nganga siya at kinakilangan nga talaga ang kumayod.

“Gusto kong sabihin na kaya ko pinasok ‘to dahil gipit ako”, ang hirit nga ng TV host-actor.
Dagdag pa niya habang kausap ang ina, “Wala kang inaabot lately. Nasanay ako na may konting paayuda. Ngayon, nganga.”

Samantala ilan nga sa itinurong Zumba moves ni Luis sa ina niyang si Vilma Santos at sa mga Zumba classmates nito ay ang tinawag niyang, “open-open”, “offer-offer”, “the shake”, “lick it” at ang “gwapo dance” na signature dance moves niya.

Masayang masaya naman ang grupo ng matapos ang kanilang pagzu-zumba, dahil kahit papaano ay nakapag-ehersisyo nga sila. Bago naman matapos ang vlog, ay hinikayat ni Vilma Santos o mas kilala nga bilang si Ate Vi ang mga netizens na suportahan ang mga vlog na ginagawa ng kanyang anak na si Luis upang mas dumami pa nga ang subscribers nito.

Umani naman ng maraming komento at reaksyon mula sa mga netizens ang Zumba bonding video vlog na ito ni Luis kasama nga ang kanyang inang si Ate Vi, at ang ‘say ‘ pa nga ng ibang netizens ay mas mainam daw na kasama lagi ni Luis sa vlog niya ang kanyang ina.

Narito nga ilan sa mga komento ng mga netizens; “You should always have your mom included sa mga vlogs mo. Very positive ang vibes niyong dalawa.”

“Dancer talaga si Vilma, dali niyang nakuha ang steps. Grabe kayong mag-ina sumakit ang tiyan ko sa kakatawa. Salamat sa pagpapasaya sa amin ngayong pandemic.”