Connect with us

Showbiz

Mga Netizens Nabighani Sa ‘Sports New Hairstyle’ Ng Aktres Na Si Yen Santos

Published

on

Isa sa mga aktres na naging maingay ang pangalan sa social media magmula noong nakaraang taon ay ang aktres na si Yen Santos, ito ay matapos nga niyang maiuugnay sa aktor na si Paolo Contis. Si Yen din ang lumalabas na naging mitsa ng hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis na halos 6-taon din nagkarelasyon at mayroon ngang isang anak na si Summer.

Sa kabila naman ng naging pagkakaugnay ni Yen kay Paolo ay wala namang kumpirmasyon mula sa dalawa sa kung ano ang estado nila sa isa’t isa, ngunit ilang beses na nga silang napag-usapan ng mga netizens sa social media dahil sa mga pagkakataon na sila ay na-spottan na magkasama.

Samantala, dahil sa kontrobersiya na kanyang kinasangkutan, ay tila nga nag-laylo sa kanyang social media account si Yen, ngunit paminsan-minsan ay nagbibigay update pa rin naman ang aktres para sa kanyang mga masugid na taga suporta at tagahanga.

Huling post ni Yen sa kanyang Instagram account ay dalawang buwan na nga ang nakalilipas, bago ang kanyang pinaka-latest IG post nito lamang araw ng Miyerkules, ika-6 ng Hulyo 2022. Sa pinaka-latest post ng aktres ay tila pagbibigay update lamang niya sa kanyang mga fans tungkol sa kanyang ‘new look’ ngayon ang ibinahagi niya. Makikita nga ang pagbabahagi niya ng kanyang bagong larawan kung saan ay ibinida niya ang kanyang sporting light brown hairstyle na may malaking ang pagkaka kulot.

Ayon sa lumabas na ulat big curls light brown hairstyle na ito ni Yen ay ginawa ng Zero 1 Story, isang popular na Korean Salon na matatagpuan sa Bonifacio Global sa Taguig City. “Sometimes u just gotta take a hairfie or hairfies [emoji]”, caption ni Yen sa kanyan IG post. Makikita naman na naka-restricted ang mga komento sa IG post na ito ng aktres, at ang bilang nga ng mga nagbigay ng likes reactions sa post niyang ito ay naka-hidden.

Sa kabila nito, ilan naan sa mga netizens ang nag-repost ng larawan na ito ng aktres sa fan accounts, kagaya na lamang ng Instagram page na @ysantos_lilieyentasticofficial, kung saan dito na nga bumuhos ang napakaraming komento g paghanga ng mga netizens para sa ‘new look’ ni Yen na talaga namang kahanga hanga..