Connect with us

Entertainment

Mga Netizens Namangha Sa Husay Ni Iya Villania Sa Pagmomotor Sa Mismong Race Track

Published

on

Si Iya Villania, ay isa sa mga kilalang Tv host anchor pagdating sa mga showbiz balita, maliban dito ay isa rin siyang hands-on mom sa kanilang tatlong anak ng kanyang asawang si Drew Arellano.

Minsan na ring binansagan ng kanyang mga tagahanga si Iya, na “Superwoman”, lalo na noong siya’y manganak sa kanilang bunsong anak, na kitang kita sa video, na tila wala siyang kahirap hirap, dahil habang nagle-labor ay nag-vlog pa siya, at matapos naman niyang manganak ay tila hindi siya nawalan ng lakas at ok na oka na agad siya.

Samantala, ngayon ay muli na naman nang pinabilib ng celebrity mom at Tv host ang kanyang mga tagahanga, matapos nitong ipakita ang kanyang husay at pagiging astig sa larangan ng motorcycling.

Abala man sa kanyang trabaho bilang host anchor, at hands-on mommy sa mga anak niyang si Antonio Primo, Alonzo Leon, at Alana Lauren, hindi pa rin nawawala kay Iya, ang magkaroon ng oras para sa kanyang sarili na makapaglaro at mag-enjoy.

At isa nga sa mga libangan ni Iya ay ang pagmo-motorcycling, kung saan kamakailan lamang ay muli niyang ipinakita ang kanyang galawan sa loob ng race track, matapos mag day-off muna sa trabaho at pag-aalaga ng kanyang mga anak.

Ibinahagi ni Iya sa kanyang Instagram post ang kanyang naging nakakabilib at mala-astig na galawan na hindi aakalain na babae pala ang nagmamaneho at nagpapa-andar nito.

Sa caption ni Iya ay makikita ang naging pasasalamat niya sa kanyang asawang si Drew Arellano, dahil sa miyembro ito ng celebrity motor back rider na “Brap Pack”, at siyang naging daan upang matutunan niya ang motorbiking.

“Finally, we made it to the track! I guess you can say it was mama and papa’s day off Thank you for taking me love @drewaarellano and cheers to my coaches @joeystormrivero and @cheestepa
“Can’t wait to ride with the girls next time! @gellitonfalcon08 @hannah_olives @chris_ironangel
“Ps. I’m pretty sure I slipped off my bike shortly after that 4th pic was taken #ParentsDayOff #DressedinHubbysGear #TrackDay #Crashedtwice”

Dahil sa ipinamalas na galing at husay sa race track, ay maraming mga netizens, ang talaga namang namangha ni Iya Villania, at kahit maging ang mga katrabaho niya sa showbiz, ay napabilib at nagbigay papuri sa TV host actor-actress.

Narito nga ang ilan sa mga komento; “Omg whattttt??!!!! You’re amazing mama!!!!!!”
“WHAT?!?!?!?!?!? ANG ANGAS MO!!! [burn fire emoticon]” “Ang saya aaaa!!! I’m happy for you mars!!!”
“Wwoof Aaaahhhh!!!!!!IDOL talaga! Napaka Versatile! GRABEHAN [clapping hands] Stay safe pa rin po.