Connect with us

Entertainment

Mga Netizens Napa-Wow Sa Napakagandang Bagong Bahay Ng Vlogger Na Si Kimpoy Feliciano Na Nagkakahalaga Ng P18 Milyon

Published

on

Nito lamang nakaraan ay masayang ibinahagi ng vlogger na si Kimpoy Feliciano ang isa na namang katuparan niya na kanyang nakamtan, at ito nga ay ang makapagpundar ng isang napakabongga sa laki at gandang bahay.

Sa kanya ngang YouTube channel ay kinikilig na ipinasilip ni Kimpoy Feliciano ang kanyang bagong biling bahay, kung saan ito ay isang “ultramodern” at talaga namang nakakalula ang ganda at halaga.

Pagbabahagi niya dahil sa marami sa kanyang mga tagasubaybay ang nagre-request ng pa-house tour ay hindi naman siya nagdalawang-isip na paunlakan ang mga ito. Kaya naman kahit hindi pa siya opisyal na nakakalipat sa kanyang bagong bahay, ay nagbigay pasilip na siya dito.

Isa ngang “unofficial house tour” ang ginawa ni Kimpoy para lamang pagbigyan ang mga tagasubaybay niya. At sa ginawa nga niyang YouTube vlog ay kanyang inilibot sa kanyang bagong bahay ang mga netizens.

Makikita na ang bahay ni Kimpoy ay fully-furnished na, at ito nga ay matatagpuan sa San Mateo, Rizal. Ang naturang bahay ay sinigurado umano ang seguridad dahil maliban sa pagkakaroon nito ng walong CCTV ay mayroon din itong electric fence.

Bago pumasok sa naturang bahay ay inilibot muna ni Kimpoy sa labas ng kanyang bakuran ang kanyang mga tagasubaybay, at ipinakita nga sa pamamagitan ng vlog ang garden nito at lanai area. Pagbabahagi ng vlogger, ang dalawang bahagi na ito ng bagong bahay ay mapapakinabangan niya lalo na sa kanyang pagba-vlog.

Ipinakita rin niya ang garehe kung saan naman ito ay swak para sa dalawang sasakyan, dito nga ipaparada ni Kimpoy ang kanyang dalawang sasakyan, ang motorsiklo niya at siyempre ang bagong bili niyang Ford Everest.

Nang papasok na sa loob ng kanyang bagong bahay, ay ipinagmalaki muna ni Kimpoy na ang kanyang main door ay gawa sa purong kahoy ng narra, kaya naman napakaganda at tibay nito. Dagdag pa niya, mayroon itong smartlocked system.

Naging kapansin-pansin naman sa pagpasok sa loob ng bahay na ito ni Kimpoy ay ang floor-to-ceiling glass windows ng kanyang living area. Ayon nga sa vlogger ang pagkakaroon ng mataas na kisame at mga glass windows ang isa sa mga dahilan para maibigan niya ang bahay at bilhin ito.

“Ang pangarap ko kasi sa isang bahay is for the living room to be high ceiling, tapos ‘yung windows niya mirror talaga”, pagbabahagi ni Kimpoy. Isa namang cozy couch ang nasa living area na maaring upuan ng mga bisita habang nagre-relaks at nanonood sa isang 65-inch flatscreen TV.

Pagdating naman sa dining area ay makikita ang 8-seater dining table, at ayon sa kanya nu’ng una niya itong makita ay agad niyang naisip ang kanyang pamilya na masayang kumakain sa nasabing hapagkainan.

Ibinahagi pa ni Kimpoy na isa pa sa talagang nagustuhan niya sa bagong bili niyang bahay ay sa pagkakaroon nito ng maraming storage, at ang two-door fridge na kasama noong bilhin niya ito.
“Ang gusto ko rin sa bahay yung maraming lalagyan kasi para hindi makalat. Gusto ko yung maraming cabinets at drawers”, dagdag pa ni Kimpoy.

Pinasilip rin ni Kimpoy ang kanyang kitchen, at ayon pa sa kanya maliban dito ay mayroon pang daily kitchen ang bagong bahay niya. Tatlong fully-airconditioned room naman ang nasa ikalawang palapag ng bagong bahay, at ang bawat isa rin nito ay may kanya-kanyang bathroom.

Huli-huli namang ipinasilip ni Kimpoy ang master’s bedroom ng bahay, na ayon sa kanya ito ang magsisilbing silid niya. Ito ay malawak, mayroong sariling walk-in closet at sarili ring bathroom.