Showbiz
Mga Netizens Napahanga Sa Mga Magagandang Larawan Ni Iza Calzado

Muling pina-wow ng mahusay na Kapamilya actress na si Iza Calzado ang mga netizens sa kanyang angking kagandahan. Ito ay matapos ibahagi ni Iza sa kanyang Instagram ang dalawang larawan niya kung saan ay tila ito ay hightlights sa naging photoshoot niya.
Sa larawan nga ng aktres ay makikota na siya ay nagmistulang isang babaeng piloto dahil sa kanyang suot na black dress na tinernuhan naman ng black cap na pang piloto. Kung titignan ng ay talaga namang napaka-class ng naging dating ni Iza, kaya naman hindi naiwasan na mapa-wow nag mga netizens sa kanyang taglay na ganda.
Kapansin-pansin ang natural na ganda ng aktres sa kanyang mga larawan, idagdag pa ang pagkakahulma ng kayang black dress sa balingkinitan niynag katawan kaya naman kitang kita ang kanyang taglay na kaseksihan.
Kung titignang maigi ay tila napaka simple lang namang ng outfit ng aktres, ngunit dahil nga sa kanyang napaka class na awra, ay naging sosyal at eleganteng tingnan ng kanyang mga larawan.
Ang naging photoshoot umano na ito ni Iza Na may mala-aviation na tema ay kinunan sa Palacio de Memoria.
May nakalakip naman na caption sa post na ito ng aktres. “I want to get away, I want to fly away [airplane emoji]”, ang naging pagsisimula ng aktresbsa kanyang post. Dagdag pa niya, “Sharing a layout from our @tatlerphilippines shoot that surely makes me miss travelling.” Sa pahayag na ito ni Iza, ay tila nga naman talagang isa siya sa mga nakaka-miss ng mag-travel sa iba’t ibang lugar o bansa. Matatandaan kasi na dahil sa paglaganap ng krisis ay nagkaroon ng restriksyon at naging limitado ang pag byahe ng mga tao.
Tinapos naman ng aktres ang kanyang caption sa pahayag na “Where would you fly off to, if you could?”
Makikita naman sa comment section ng post na ito ni Iza ang maraming mga komento ng admiration mula sa kanyang mga tagahanga at maging mga kaibigan sa industriya ng showbiz.
Si Iza Calzado o sa tunay na buhay ay si Maria Izadora Ussher Calzado – Winter ay kilala ng publiko bilang isa sa mga mahusay na aktres sa industriya ng showbiz. Maliban pa dito ay isa rin siyang host at modelo. Siya ay ikinasal sa kanyang asawang si Ben Wintle noong taong 2018.
