Connect with us

Entertainment

Mga Netizens Napahanga Sa Napakalaking Pagbabago Sa Katawan Ng Comedian-Actor Na Si Bearwin Meily

Published

on

Natatandaan niyo pa ba ang komedyanteg aktor na si Beirwin Meily? Siya ay mas nakilala dahil sa kanyang madalas na ekspresyon na “Yahoong-yahoo”, sa mga proyektong kanyang ginawa.

Noon, ay matatandaan na “chubby”, ang pisikal na pangangatawan na taglay ng komedyanteng aktor, sa tuwing siya’y lumalabas sa mga pelikula. Ngunit ngayon, ay ikinamangha ng maraming mga netizens, ng lumabas ang larawan ng comedian-actor, na kung saan ay makikita na taglay na niya ang fit at maskuladong pangangatawan.

Ayon nga sa ulat nagpasya si Bearwin na baguhin ang hugis ng kanyang pisikal na pangangatawan ng ang kanyang timbang ay umabot sa 199-pounds, noong taong 2011, samantalang ang kanyang taas ay 5’7 lamang.

Marami ngang mga netizens, ang talaga namang ikinabilib ng makita ang mas fit na pangangatawan ngayon ni Bearwin, kung saan ay makikita na mayroon na itong mga muscle sa kanyang katawan.
Naging inspirasyon din para sa iba, ang ginawang pagbabago ni Beirwin.

Sa Facebook account ng komedyanteng aktor, ay makikita nga ang naging pagbabahagi niya ng kanyang larawan, na nagpapakita na ngayon ng mas fit niyang pangangatawan. Kalakip ng larawan nito ay ang caption ng komedyante na;

“You must make a CHOICE to take a CHANCE or your life will never CHANGE. Be a blessing. Be an Inspiration.” Ibinahagi naman ni Beirwin, ang kanyang naging pagbabawas ng timbang ay yung hindi niya kinakailangan magdyeta, dahil sa totoo lang ay mas malakas siya kumain ngayon, ngunit ito ay upang bigyang lakas ang kanyang katawan, sa pagsabak niya sa mahaba-habang tatakbuhin niya.

“Totally changed, siyempre, ang lifestyle. No diet! Actually, mas malakas ako kumain ngayon. Kaya lang, nagiging gasoline ko siya”, saad nga ng aktor.

Base nga sa ilang artikulo, mula sa pagiging isang beginner runner noon, ay isa ng competitor ngayon si Beirwin sa running event, hindi lang dito sa ating bansa kundi maging sa mga overseas na kumpitisyon.
Isa rin umano sa mga ginawa ni Beirwin, upang maging fit at healthy pa lalo ang kanyang pangangatawan ay ang tuluyan ng tigilan ang bisyo niya na paninigarilyo.

Ngayon nga ay talaga namang #FitnessGoals na si Beirwin Meily. Matatandaan na nagsimula ang karera ni Beirwin Meily, ng mapabilang siya sa programang, “Palibahasa Lalake”, at ng madiskubre nga ng direktor ng nasabing programa ang kanyang talento bilang isang komedyante , ay inilagay siya nito sa long time gag show ng GMA-7 na “Bubble Gang” at “Kool Ka Lang.”