Connect with us

Entertainment

Mga Sikreto Ni Robin Padilla Ibubuking Ng Asawa Si Mariel Rodriguez At Ex-GF Na Si Vina Morales Sa Kanilang Pagsanib Pwersa

Published

on

Dalawa sa mga naging pinaka-importanteng tao sa buhay ng beteranong action-star na si Robin Padilla, ang magsasanib pwersa, upang ibuking sa publiko ang sikreto ng aktor.

Ang singer-actress host na si Vina Morales, ay batid natin na isa sa mga naging kasintahan ni Robin sa industriya ng showbiz, kung saan ay talaga namang marami ang pinagdaanan ng kanilang relasyon.

Samantala, si Mariel Rodriguez naman, ay isang dating host-actress, na nakilala noon ni Robin sa isang noontime show na programa, hanggang sa maging kasintahan at ngayon ay asawa na ng aktor.

Sa nalalapit na kaaraawan ni Robin Padilla, ay mayroong pagsasanib pwersa na gagawin ang dalawang babae na naging espesyal sa kanyang buhay, kung saan ito ay kinumpirma nina Vina at Mariel sa kanilang mga social media account.

“Hmmmm, ano ba ang common denominator namin????? @vinamorales #EXCITED”, ito nga ang ibinahaging caption ni Mariel Rodriguez, sa kanyang Instagram account kung saan ay kalakip nito ang larawan niya na kasama si Vina.

“It’s gonna be fiery”, dagdag pa ng ani Mariel sa caption ng larawan.
Nagkomento naman ditto si Vina Morales ng “Bring it on”.
Tila excited na nga sina Vina Morales at Mariel Rodriguez sa kanilang magiging pagsasama, upang ibuking ang mga sikreto ni Robin Padilla sa publiko.

Ayon nga sa naging ulat ng Inquirer Bandera, ay magsasama sina Mariel at Vina sa mismong vlog ng naunang nabanggit, at ito nga ay inilabas at napanood na noong ika-8 ng Nobyembre sa ganap na alas-9 ng gabi.

Ang pagsasama ngang ito nina Mariel at Vina, ay treat ni Mariel sa asawa niyang si Robin Padilla, na magdiriwang na ng kanyang kaarawan ngayong buwan ng Nobyembre.

Marami naman sa mga tagahanga ng aktor, ang nagkomento sa naging post ni Mariel, kung saan ay sinabi ng mga ito, na aabangan nila ang pagsasama at pagsasanib pwersa ng ex gf ni Robin na si Vina, at asawa nito na si Mariel.

May roon pa ngang isang netizens ang nagkomento, kung bakit hindi pa sinama sina Sharon Cuneta at Kris Aquino, mga naging leading lady ni Robin Padilla noon.

Samantala, muling magsasama sa isang programa sina Vina Morales at Robin Padilla, at ito ay sa musical sitcom na “Kesaya-saya” na mapapanood sa NET 25 Eagle Broadcasting Corporation tuwing Lingo, ika ala-6 y’medya ng gabi.