Showbiz
Misis Ni James Yap Labis Na Hinahangaan Ng Publiko Dahil Sa Kanyang Napakagandang Mukha

Si James Carlos Agravante Ya Sr. o mas nakilala ng publiko bilang si James Yap ay isa sa mga hinahangaang manlalaro ng basketball sa ating bansa. Siya ay tinaguriang “Big Game James” ito ay dahil na rin nga sa kanyang ipinamalas na husay at galing sa nasabing larangan ngang ito.
Kilala rin si James Yap ng publiko bilang isa sa mga pinakamahuhusay na manlalaro ng isa sa mga pinakasikat na kupunan sa basketball ang “Raine or Shine Elasto Painters”. Pinag-usapan naman ang pangalan ni James ng publiko ng maging asawa niya ang sikat na host at aktres noon na si Kris Aquino, at ang kanila ngang naging hiwalayan ay isa sa mga naging kontrobesyal na usapin sa mundo ng showbiz.
Matatandaan na si James ay ikinasal kay Kris Aquino noong taong 2005, ngunit taong 2012 ay nauwi rin sa paghihiwalay ang kanilang relasyon. Ang kanila namang pagsasama ay nabiyayaan ng isang anak, at ito nga ay si Bimby, kilala ng publiko bilang ang bunsong anak ni Kris. Sa kabila naman ng pinagdaanang hiwalayan ni James sa dating asawa niyang si Kris, ay muli naman siyang nakatagpo ng panibagong pag-ibig. Nakilala niya ang napakagandang Italyana na si Michela Cazzola, at binihag nga nito ang kanyang puso.
Ayon sa mga ulat, sa kasalukuyan nga ay masayang namumuhay si James kasama ang partner niya sa buhay ngayon na si Michella. Ang kanilang relasyon din na dalawa ay nabiyayaan na ng dalawang anak, ito nga ay sina MJ at Francheska. Samantala, kahit naman isang Italyana si Michela ay pinalaki nila ni James ang kanilang anak sa kulturang Pilipino kagaya na lamang sa pagsasalita ng may ‘po’ at ‘opo’ sa tuwing kinakausap nga ang mga ito. Ang mga anak din nga nila ay binigyan nila ng Pilipinong palayaw, kung saan su MJ nga ay tinatawag nilang ‘Bugoy’, at ‘Bugay’ naman ang tawag nila sa anak nilang si Francheska.
Hindi naman mapigilan ng mga netizens ang hangaan ng husto si Michela, ito ay dahil sa kabila ng pagiging isa na niyang ina ng kanyang dalawang anak, ay nanatili naman ang pagkakaroon niya ng balingkinitang katawan. Tunay ring walang kupas ang kanyang angking kagandahan, kahit nga siya’y abala sa pag-aalaga at pag-aaruga ng kanyang mga anak. Si Michela Cazzola ay isang Italyana at dati nga siyang secretariat specialist sa Asian Development Bank. Dahil nga sa pagkakaroon niya ng dugong banyaga, ay marami nga sa mga pisikal niyang katangian ang hinahangaan ng maraming mga Pilipino.
