Connect with us

Entertainment

Miss Universe Ph 2017 Rachel Peters Masayang Ibinahagi Ang Pagkakaroon Nila Ng Anak Ni CamSur Governor Migz Villafuerte

Published

on

Labis na kasiyahan at excitement naman talaga ang nararamdaman ngayon ng former Miss Universe Ph 2017 na si Rachel Peters, dahil sa napakagandang biyaya na natanggap niya sa kanyang buhay, kung saan ito nga ay ang pagiging isang ina dahil ipinagbubuntis niya ang magiging panganay na anak nila ng kanyang partner na si CamSur Governor Migz Villafuerte.

Sa kanyang Instagram ay masayang ibinahagi ni Rachel Peters ang magandang balita sa pamamagitan nga ng pagbibida niya ng kanyang isang beach photo kung saan ay kita na nga ang kanyang baby bump.
Kalakip ng larawan na ito ay ang caption niya na;

“18 weeks of growing and loving you. You’re dream come true our little chickpea.” Ang long time partner naman ni Rachel Peters na si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, ay hindi rin naman naitago ang excitement na nararamdaman nito. Makikita rin sa Instagram ng Gobernador ang kanyang naging pagbabahagi kung gaano siya nasisiyahan ngayon na magkakaroon na sila ng anak.

Sa post nga ni Gov. Migz, ay makikita ang larawan nila ni Rachel Peters, kung saan ay nakahawak siya sa baby bump nito. Kalakip nito ay ang caption na; “who’s your daddy? # beyondblessed”
Inulan naman ng napakaraming mga komento ng pagbati ang naging post na ito ng magkasintahan. Ang kanilang mga kaibigan at kapamilya ay hindi rin naman maitago ang kasiyahan at excitement para sa nalalapait na pagdating ng anak ng dalawa.

Taong 2018, buwan ng Nobyebre ng ma-engage sina Rachel Peters at Gov. Migz Villafuerte sa isa’t isa. Dapat nu’ng nakaraang taon ay naikasal na ang dalawa, ngunit buwan ng Marso 2020 ay ibinahagi ni Rachel na ang kanilang kasal ay hindi matutuloy sa initakdang araw.

Sa kabila nga ng hindi natuloy ang kanilang kasal, ay sinabi naman ni Rachel na sa panahon ngayon ay mas mahalaga ang kaligtasan at kalusugan nila, ng kanilang pamilya at mga kaibigan. Ibinahagi rin niya na lahat talaga ay nakahanda na para sa kanilang kasal sa bansang Indonesia,

ngunit isang buwan nga bago ang nakatakdang araw ng pag-iisang dibdib nila ay ipinatupad naman ang quarantine sa ating bansa na naging dahilan nga para hindi muna ituloy ang kanilang kasal.
“Everything is up in the air at the moment”, ani Rachel.

“We’re happy, we’re good, we’re safe, that’s what matters. And all our friends and family are safe too”, dagdag pa niya.

Samantala, kahit nga naman hindi natuloy ang kasal ng magkasintahan Rachel Peters at Gov. Migz Villafuerte, ay isang napakagandang biyaya naman ang naging kapalit nito, at ito nga ay ang pagdadalangtao ng beauty queen.