Connect with us

Entertainment

Mon Confiado May Ipinahatid Na Isang Mahalagang Mensahe Matapos Nitong Ibahagi Ang Isa Sa Mga Pinakamatandang Katutubong Tribu Sa Pilipinas

Published

on

Kamakailan lamang ay nakasalamuha ng aktor na si Mon Confiado ang isa sa pinakamatandang katutubong tribu sa Pilipinas na Mamanwa, at matapos nga nito ay isang mahalagang mensahe ang kanyang ibinahagi sa social media, na naglalaman nga ng nais niyang iparating sa lahat.

Makikita sa isang Facebook post ng batikang character actor na si Mon noong ika-14 ng Hunyo, ang kanyang larawan kung saan au masaya siyang naka-pose habang kasama ang ilang mga kabataan. At ang mga kabataan nga na ito na kasama ng aktor, ay mga mula sa isa sa pinakamatandang tribu sa ating bansa, ang mga Mamanwa na naninirahan sa probisnya ng Suurigao del Norte.

Lingid sa kaalaman ng marami sa atin, ang mga Mamanwa o kilala rin bilang mga Mamanwa Negritos ay ang itinuturing na mga una o orihinal na tribu na naninirahan sa ating bansa, ito nga ay base na rin sa naging pahayag ni Mon sa kanyang social media post.

Kalakip ng mga larawan na ito ng aktor, ay ang kanyang naging mensahe kung saan ay kanyang ipinahatid sa lahat na sa kabila ng pagkakaiba nating mga Pilipino sa kulay ng balat, paniniwala o relihiyon ay iisa pa rin ang lahi nating lahat, at ito nga ay pagiging isang Pinoy.

“It doesn’t matter what language you speak, beliefs or religion or what color your skin is. We’re one race. Filipino!”, pahayag ni Mon. Maikli man ang caption na ito ng aktor, ay malalim naman ang nais ipahiwatig nito para sa ating lahat, kaya naman umani ito ng maraming paghanga mula sa mga netizens.

Narito nga ang mga naging komento ng mga netizens; “Ahhh grabeeee! Salamat! This post is so heart touching! Salute po! May you continue to use your influence for the better.” “Salute to Mamanwa tribe and to you idol Mon!”

“Sa likod ng pagiging kontrabida, may mabuting puso sa totoong buhay.”
“Ikaw na Mon… reat picture.. lodi” “Salute to you Sir Mon! Marami din dito mga mamanwa sa amin sa Southern Leyte.”

Hindi naman lingid sa kaalaman natin na si Mon Confiado ay isa sa mga maituturing na aktor sa showbiz na mahusay sa pagganap ng mga karakter niya, ngunit ang madalas ngang nagiging papel niya sa mga ginagawa niyang serye at pelikula ay pagiging isang kontrabida.

Sa kabila nito, ay makikita naman sa totoong personalidad ni Mon na sa mga pelikula lang siya kontrabida, dahil sa tunay na buhay ay pang dida ang taglay niyang kababaan ng loob at kabutihan.