Showbiz
Mula Sa Makulit Na Child Aktres Mika Dela Cruz Taglay Na Ang Tunay Na Kagandahan Ngayon

Hindi nga naman natin namamalayan ang mabilis na paglipas ng panahon. Bigla na lamang nga tayong mamangha na makita na ang mga bibo at cute na batang kinagigiliwan natin noon ay mga ganap na ngang dalaga at binata ngayon na may kanya-kanyang angking kagandahan at kagwapuhan.
Ang kinagigiliwang child star noon na si Mika Dela Cruz ay isa lamang sa mga batang artista na kinaaliwan ng maraming mga manonood noon dahil sa kanyang pagiging bibong bata, ngunit ngayon nga, ay mas lalo pang umani ng paghanga mula sa mga netizens si Mika dahil sa kanyang kahanga-hangang ganda ngayon na siya nga ay ganap ng dalaga.
Maliban sa pagiging isang mahusay na aktres, ay kilala rin si Mika bilang nakababatang kapatid ng aktres ding si Angelica Dela Cruz. At tulad nga ng kanyang ate, ay nakilala rin si Mika sa kanyang sariling pangalan sa mundo ng showbiz dahil sa kanyang ipinamalas na husay sa pag-arte.
Matatandaan na nagsimula si Mika sa kanyang showbiz career sa ABS-CBN network, kung saan siya nga ay unang nasilayan ng publiko ng maging kalahok siya sa ABS-CBN Star Circle Quest Kiddie Edition. Dito ay ipinakita ni Mika sa maraming mga manonood ang kanyang galing sa pag-arte at maging sa pagsasayaw at pagkanta. Sa nasabing kumpetisyon din ay nakasabayan ni Mika ang aktor na si Nash Aguas, na kanya ngang childhood friend at ngayon ay kasintahan na rin niya.
Samantala, sa kasalukuyan nga ay isa ng Kapuso actress si Mika at sa nasabing network ay patuloy nga niyang ipinapamalas ang kanyang husay at talento sa larangan ng pag-arte. Hindi lamang naman ang talento sa pag-arte ni Mika ngayon ay tunay na hinahangaan sa kanya ng marami, dahil ngayon na siya nga ay 23-taong gulang na ay mas umani pa siya ng paghanga at suporta dahil sa kanyang taglay na kagandahan.
Sa social media account ni Mika ay madalas siyang magbahagi ng kanyang mga nag-gagandahang larawan kung saan dito ay makikita ang malaking pagbabago sa kanya mula sa kanyang pagiging isang bata at ngayon na siya’y ganap ng dalaga.
Hindi naman maikakaila na ngayong ganap ng dalaga si Mika ay mas lalo pa siyang gumanda, lalo na’t nagagawa na nga niya ang umawra sa kung anong OOTD na nais niya na talaga namang bumabagay sa kanya. Dahil sa pagiging mahusay ni Mika sa pagdadala ng kasuotan, ay napili pa nga siya na maging modelo ng isang clothing brand sa Singapore kaya naman labis na humanga muli ang kanyang mga tagahanga sa kanya.
Suot ang mga magagarang damit mula sa Apartment 8 clothing’s new collection ay talaga namang lumutang pa lalo ang pagiging classy ni Mika. Lumabas din sa ulat na kasama ng aktres ang singer-actress na si Julie Ann San Jose sa pagiging endorser ng new collection ng nabanggit na clothing brand.
