Connect with us

Showbiz

Muling Sulyapan Ang Naging Masaya At Matamis Na Bakasyon Ng Nobyong Vice Ganda At Ion Perez Sa Isla Ng Amanpulo

Published

on

Isa nga sa mga personalidad sa showbiz ngayon na may makulay na buhay pag-ibig ay si Unkabogable star Vice Ganda, ito nga ay sa piling ng kanyang partner na si Ion Perez. Ang kanilang relasyong dalawa ay proud nilang isinapubliko, na naging daan nga upang mas lalo pa silang maging masaya sa piling ng isa’t isa.

Samantala, noon ngang nakaraang Araw ng mga Puso o Valentine’s Day ay kinabog ng mag-dyowang Vice at Ion ang maraming magkasintahan, dahil bago pa man nga sumapit ang nasabing espesyal na araw para sa lahat ng nagmamahalan, ay nauna ng nagkaroon ng ‘sweet moments’ ang dalawa ng sila nga ay mag-date sa romantikong isla ng Amanpulo.

Bago nga ang Valentines Day, weekend pa lamang ay nasa Amanpulo na sina Ion at Vice, at doon nga nila ginanap ang date nila para sa araw ng mga puso. Sa kani-kanilang Instagram account ay makikita ang naging pagbabahagi nina Vice at Ion ng mmga larawan nila, kung saan ay makikita ang naging masaya nilanng bakasyon at pamamasyal sa nakakarelaks na lugar ng Amanpulo lalo na nga ang napakagandang beach nito.

Ilan nga sa mga larawan ng mag-dyowa na talaga namang napa-sana all ang maraming mga netizens ay ang larawan kung saan makikita na magkatabi sina Vice at Ion habang sila ay nakaupo sa dalampasigan at nakatingin nga sa napakagandang night sky view ng dagat. “When loves win, we win”, ang naging caption ni Vice sa larawan, dahil kitang-kita naman talagang napakasaya nilang magkasama nig partner niya sa buhay ngayon na si Ion.

Makikita naman sa ikalawang larawan na ibinahagi ni Vice ang masaya at matamis nilang pagkukulitan ni Ion habang sila ay nasa sofa at umiinom ng refreshers. “Let this bother those who hate”, caption naman ni Vice sa larawan na ito. Kitang-kita nga sa mga larawan nina Vice at Ion ang labis na kasiyahan nilang magkasintahan habang ine-enjoy nga ang kanilang bakasyon sa nakapagandang isla.

Matatandaan na ika-26 ng Oktubre taong 2019 ng aminin nina Vice at Ion ang kanilang relasyon sa publiko. Gaya ng inaasahan marami ang hindi sumang-ayon sa relasyon nilang dalawa, at may mga nagsabi nga na hindi dapat ipinapakita ng dalawa ang kanilang paglalambingan sa telebisyon lalo na sa programang It’s Showtime dahil sa maraming mga kabataan ang makakakita nito.

Ngunit para nga kana Vice at Ion ay wala silang nakikitang masama sa kanilang ginagawa o sa relasyon na mayroon sila, dahil sa wala naman silang tinatapakan na ibang tao. Sa kabila naman ng mga negatibong komento para sa relasyon ng dalawa, ay marami pa rin naman ang sumusuporta sa kanila, dahil batid nga ng mga ito na ‘deserved’ nina Vice at Ion ang pagmamahalan at kasiyahan na kanilang nararamdaman sa piling ng isa’t isa. Sa kasalukuyan at nanatiling smooth ang relasyon nina Vice at Ion.