Connect with us

Entertainment

Naaalala Niyo Pa Ba Ang Batang Si Lelen Noon Sa Tropang Potchi Akalain Niyong Dalagang-Dalaga Na Ngayon

Published

on

Sa industriya ng showbiz ay marami tayong mga batang kinagiliwan, ito ay dahil sa kanilang ipinamalas na kabibohan at husay sa pag-arte lalo na sa mga karakter na kanilang ginagampanan. Isa na nga sa mga childstar noon sa GMA-7 na inaabangan at kinagigiliwan ng marami ay si Isabel Frial o mas nakilala ng publiko bilang si Lenlen.

Si Isabel Frial ay isa sa mg batang kinagiliwan noon sa informative children’s show na Tropang Potchi na umere nga noong taong 2019, dito ay nakilala siya bilang si Lenlen.

Ilan sa mga naging kasabayan niya sa nasabing programa ay sina Bianca Umali, Sabrina Man, Miggy Jimenez, Ella Cruz, Miggz Cuaderno, Julian Trono at marami pa ngang iba.

Ang programang ito na pangbata na “Topang Potchi” ay isang talent show na para sa mga kabataan, kung saan ay kasama nila ang mascot na si Potchi at ito nga ay umere sa telebisyon ng mahigit dalawang taon.

Dahil sa kanyang taglay na kabibohan at pagiging mahusay na child star ay ginawaran rin ng parangal si Lenlen noon sa 27 th PMPC Star Awards for Television bilang Best Children’s Show Host.
Napabilang din si Lenlen noon bilang cast ng seryeng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis na pinagbidahan ni Bea Binene. Napanood rin siya noon sa pelikulang Ang Panday 2 na pinagbidahan naman ng mga mahuhusay na artista na sina Bong Revilla, Philip Salvador at Marian Rivera.

Samantala, ngayon nga ay dalaga na ang batang si Lenlen, dahil ngayon ay edad 16 na siya. At makikita nga na malaki na rin ang naging pagbabago ng kanyang hitsura, na mas lalo ngang gumanda ngayon.

Marahil ay marami sa atin ang hindi nakababatid na sa katatapos lamang na seryeng First Yaya na pinagbidahan ni Sanya Lopez at Gabby Concepcion, ay naroonn si Lenlen, kung saan ay gumanap sila bilang schoolmate ng karakter ni Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso.

Sa ngayon ay kasalukuyang nag-aaral si Lenlen o sa tunay na buhay nga ay si Isabel Frial, at sa susunod na taon nga ay tutuntong na siya sa Senio High School. Marami namang mga netizens ang namangha sa ‘transformation’ ni Lenlen ngayon na siya nga ay nagdadalaga na.

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens;
“Ang laki mo na ng𝔞yon para kailan lang ang liit liit mo pa, singkit ang mata at yung cheeks mo na sobrang sarap pisilin. Kayong dalawa ni Ryzza ang bilis niyo lumaki at ganda niyo pareho.”

“ Dati pinapanood ko lang kayo sa Tropang Potchi ng𝔞yon dalaga na kayo. Sana magsama sama kayo nina Ella Cruz, Julian Trono, Bianca Umali at yung iba niyo pang nakasama doon sa isang proyekto.”