Connect with us

Entertainment

Naaalala Niyo Pa Ba Ang Dating Model Na Si Kelly Misa Heto Na Pala Ang Tinatahak Buhay Ngayon

Published

on

Pebrero taong 2009 ng ang dating modelo at host ng programang Wowowee na si Kelly Misa ay ma-engaged sa kanyang non-showbiz boyfriend na kinilalang si Carlos Fernandez. Nang taon ding iyon ay naka-eskedyul na ang pagpapakasal ng magkasintahan, at nagbukas rin ang isang oportunidad kay Kelly na matagal na niyang pinapangarap at ito nga ay ang makapasok sa mundo ng showbiz.

Dahil sa minsan nga lamang naman kumatok ang ganitong oportunidad sa buhay niya, ay agad na nagdesisyon si Kelly na sunggaban ang oportunidad upang bigyan ng katuparan ang matagal na niyang pangarap na maging isang host at artista.

“Nagdecide ako na i-follow ko na talaga yung dream ko na maging artista and maging host, na never kong ina-allow yung sarili ko na i-follow.”, ang naging paliwanag ni Kelly.

Samantala, halos nasa dekada na rin mula ng si Kelly Misa ay ikasal sa kanyang asawang si carlos Fernandez, at nito nga lamang nakaraang buwan ng Hunyo, ay makikita sa social media ng dating model-host ang sunod-sunod niyang pagbabahagi ng mga larawan nila ng asawa kasama ang kanilang anak.

Kalakip ng mga masasaya nilang family photo, ay ang inilakip ni Kelly na caption na naglalaman ng mensahe niya para sa asawa, dahil ng araw nga na ‘yon ay ipinagdiriwang ng lahat ang espesyal na araw para sa mga ama, ito nga ay ang selebrasyon ng “Fathers Day”.

“Our fave photo of us! [red heart emoji] Happy Father’s Day to this guy who is never in my feed because he is always behind the camera. Grateful for you today and everyday @lostagram”, caption ni Kelly sa larawan.

Isa nga sa mga larawan na ibinahagi ni Kelly ay ang larawan nilang mag-asawa kung saan ay makikitang kasama rin nila ang anak nilang si Tristan Antonio. Ibinahagi naman ni Kelly na ang mister niya ay tipo ng “camera shy person” kaya naman hindi ito madalas na nakikita sa mga larawan na kanyang ibinabahagi sa social media account niya.

Agad namang bumuhos sa mga komento ng nasabing larawan na ibinahagi ni Kelly ang mga pagbati ng “Happy Father’s Day” para sa kanyang mister, na mula sa kanilang mga kaibigan at kapamilya.
Masasabi naman natin na masaya at kontento si Kelly Misa ngayon sa buhay na kanyang tinatahak kasama ang kanyang binuong pamilya, ito ay base na rin sa kasiyahan na maaaninag sa mukha ng dating model-host.