Connect with us

Entertainment

Naaalala Nyo Pa Ba Si Cindy Kurleto Ito Na Pala Ang Kanyang Buhay Matapos Lisanin Ang Mundo Ng Showbiz

Published

on

Kilala bilang isang VJ at commercial model sa ating bansa si Cindy Kurleto, o sa totoo ngang buhay ay kilala ng kanyang mga kapamilya bilang si Cynthia Kristina Kurleto. Maliban sa pagiging VJ at commercial model ay kilala rin siya noon bilang isa sa mga naging TV host ng longest running noontime show ng GMA network na Eat Bulaga.

Lumabas rin siya noon sa Kapuso fantaserye na ‘Encantadia’, kung saan ay ginampanan niya ang karakter bilang si Cassiopeia. Sa nasabi ngang hit serye ng GMA-7, ay ipinakita ni Cindy ang kanyang itinatagong husay pagdating sa pag-arte.

Maliban pa nga sa pagiging isang mahusay na VJ at TV host, ay batid rin natin ang taglay na kagandahan at kaseksihan ni Cindy Kurleto.

Taong 2004 nga ay ipinakita ni Cindy Kurleto sa lahat ang kanyang taglay na kaseksihan ng siya ay maging cover ng FHM Philippines, kung saan ay itinuturing rin din siyang FHM Philippines Sexiest woman in the world ng taong iyon.

Samantala, sa kabila ng magandang takbo ng noontime show na Eat Bulaga na kanyang kinabibilangan, ay nagdesisyon si Cindy Kurleto na iwanan ang kanyang pagiging TV host sa popular na noontime show, at ito naman ay malugod na sinuportahan ng kanyang mga co-host.

Hindi naman nagtagal ay tuluyan na nga rin niyang iniwan ang kanyang career sa Philippine showbiz industry. Kasama ang kanyang partner na si Daniel, ay mas pinili ni Cindy na manirahan na sa ibang bansa, upang doon ay manirahan malayo sa intriga at anumang ingay sa mundo ng showbiz. Sa ngayon nga ay nasa Vienna, Austria nakabase ang magpartner at dito na nga nila binuo ang kanilang masayang pamilya.

Base nga sa mga naging ulat, ay isa na ring mommy ngayon si Cindy Kurleto sa kanilang dalawang anak ng partner niyang si Daniel.

At ang kanila ngang dalawang anak ay pinangalanan nilang si Lima at Noah.
Sa kanya ngang Instagram ay madalas na makikita ang pagbabahagi ni Cindy Kurleto ng larawan niya habang kasama at masayang pakikipag-bonding sa kanyang mga anak. Tila nga natagpuan ni Cindy Kurleto ang katahimikan at kasiyahan ng buhay sa ibang bansa, kapiling ang kanyang buong pamilya.