Connect with us

Entertainment

Naalala Nyo Pa Ba Ang South Korean Child Actress Na Nagpaiyak Noon Sa Mga Manonood Sa Pelikulang Miracle in Cell No.7 Ito Na Pala Ang Buhay Ngayon

Published

on

Natatandaan nyo pa ba ang South Korean child star na si Kal So Won? Siya ang batang nagpa-iyak noon sa maraming mga manonood ng pelikulang “Miracle in Cell No. 7.”

Si Kal So Won, ay isa sa mga South Korean actress, na umani ng popularidad mula ng mapanood ang kanyang galing sa pag-arte, dahil sa ginampanan niya ng mahusay ang kanyang naging karakter sa pelikulang “Miracle in Cell No. 7.”

Kung isa nga kayo sa mga mahilig sa mga South Korean movies, marahil ay matatandaan niyo pa si Kal So Won, bilang siya’y isang bata pa lamang noong ipinalabas ang nasabing pelikula.

Matatandaan na taong 2013, ng inilabas ang “Miracle in Cell No.7”, at ito ay isa sa mga pelikulang inilabas ng South Korea na talaga namang naging box-office hit sa kanilang bansa. Ang nasabing pelikula rin ay naging top-grossing South Korean film rin.

Isa nga sa mga naging dahilan kung bakit mas naging popular pa ang nasabing pelikula ay dahil sa talaga namang nakakaantig ang kwento nito sa puso ng bawat mga manood.

Dahil naman sa ipinakitang husay sa pag-arte ni Kal So Won sa nasabing pelikula, ay talaga namang tumatak siya sa puso ng mga manonood, at sa katunayan ay kabilang rin siya sa mga naging nominado bilang “Best New Actress” at “Best Actress” sa Grand Belle Award.

Noon ngang lumabas ang pelikulang ‘Miracle in Cell No. 7”, ay batang batang pa si Kal So Won, sa edad nito noon na 7-taong gulang. Ngunit sa kabila nito, ay nagampanan niya ng mahusay ang karakter na ibinigay sa kanya. Kaya naman, pagsunod-sunod rin ang mga naging pag alis ni Kal So Won sa ilan pang mga Korean drama at pelikula.

Ilan naman sa mga pelikula kung saan ay kabilang si Kal So Won, ay ang Legend of the Blue Sea (2016), kung saan ay gumanap siya bilang ang young version ng serenang karakter na si Se Hwa. Napabilang rin siya sa pelikulang A Korean Odyssey noong taong 2017.

Noong nakaraang taon naman ay tila nagkaroon ng “reunion” ang actor na si Ryu Seung Ryong, ang gumanap na ama ni Ye Sung’s sa pelikulang Miracle In Cell No. 7, at si Kal So Won. Ito ay matapos magbahagi ang aktor sa kanyang personal Instagram account, ng larawan nilang dalawa ni So Won, kalakip ang caption na;

“Father-daughter reunion. So Won is eating a lot of beans and growing up healthy Jeju [Island].”Makikita naman sa mga larawan ngayon ni Kal So Won na ngayon ay isa na siyang dalaga, kung saan ay aktibo pa rin siya sa showbiz industry sa kanilang bansa.

Ngayon nga ay 14-taong gulang na si So Won ito ay matapos niyang magdiwang ng kanyang kaarawan noong ika-20 ng Agosto 2020. At ayon nga sa ilang kulay ang kanyang karera bilang isang aktres ay nasa ilalim ng pamamahala ng YG Entertainment, matapos niyang pumirma na ng kontrata dito.