Connect with us

Showbiz

Nadine Samonte Masayang Ipinagdiwang Ang Kaaraawan Kasama ang Kanyang Pamilya Sa Isang Napakagandang Beach

Published

on

Wala na ngang sasaya pa kung sa espesyal na araw natin sa ating buhay tulad nga ng ating kaarawan ay ang ating mga mahal sa buhay ang ating makakasama. Talaga namang doble ang saya na ating madarama kapag buo ang ating pamilya sa mahalagang okasyon sa ating buhay.

Tulad na lamang ng aktres na si Nadine Samonte na kamakailan lamang ay ipinagdiwang ang kanyang kaarawan. Kasama nga ang kanyang pamilya ay ipinagdiwang ni Nadine ang mahalagang okasyon na ito sa kanyang buhay sa pamamagitan ng isang masayang staycation sa napakaganda at nakakarelax na lugar.

Makikita nga sa mga larawan na ibinahagi ng aktres na masaya nilang in-enjoy ng kanyang pamilya ang pagtampisaw sa isang beach at ang pagkain ng masasarap na pagkain sa naturang lugar.
Ang kaarawan na ito ni Nadine ay mas lalo pa ngang naging memorable dahil maliban sa kasama na nga niya ang buo niyang pamilya, ay labis din itong pinaghandaan ng mister niyang si Richard Chua.

Ipinaabot naman ni Nadine sa kanyang Instagram post ang kanyang buong pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong nakaalala na batiin siya sa kanyang kaarawan, lalo na nga sa kanyang pamilya na kasama niya sa espesyal na araw na ito sa kanyang buhay. Hindi rin nga nakaligtaan ng dating aktres na magpasalamat sa Poong Maykapal na siya ngang lumikha ng lahat at nagbibigay ng lahat ng pagpapala at biyaya sa kanya at sa pamilya niya.

“Thank you for all your warm greetings. This is how I spent my birthday yesterday. I’m so happy just being with them. Thank you, Lord for another year, thank you Lord for the gift of family. I love you Richard, Heather, Tivs and Harmony”, ang naging saad ni Nadine sa kanyang IG post.

Bago pa man nga sumapit ang kaarawan ni Nadine ay nagbahagi rin siya sa kanyang IG ng isang video kung saan ay masisilayan ang naging kasiyahan nila ng kanyang pamilya, kung saan ay talaga namang at home na at home sila sa tinutuluyan nila. Kalakip naman ng naturang video ay ang caption ni Nadine na;

“Since it’s gonna be my birthday tomorrow wala na akong hihilingin pa kasi my family is the best gift na ibinigay sa akin ni Lord na kailangan kong ingatan, alagaan at mahalin habang buhay. Thank you, Lord sorry ganito mga hitsura namin but this is us… we dance and we do crazy things with kids all the time… Showing you how we are. I love my fam so much.. Love you hubby @rboy_chua and our kids… Together forever”, saad ni Nadine.