Connect with us

Inspiring

Nag-Viral Ang Isang Streamer Matapos Kumita Ng P15,000 Kahit Siya ’y Natutulog Lamang

Published

on

Nang sumiklab ang krisis sa iba’t ibang panig ng mundo, ay marami nga namang mga indibidwal ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay. Kaya naman, upang magpatuloy ang buhay, ay marami ang nag-isip at gumawa ng kanilang paraan upang may pagkakitaan lalo na ngayong may krisis na kinakaharap.

Samantala, ilan nga sa mga pinaka-popular ngayon na naging source of income na ng ilan sa ating mga kababayan, ay ang pag-stream ng mga online games o di kaya naman ay ang pag-online selling ng iba’t ibang mga produkto gaya na lamang ng damit, bag, at alahas.

Si Euan Garcera, ay isa lamang sa mga streamer na kumikita ngayon online. Kung ang ibang streamer ay naglalaro ng games sa kanilang stream, siya naman ay iba an naging istilo sa kanyang live stream kung saan ay natutulog nga lamang siya.

Ikinuwento ni Euan sa naging panayam sa kanyang ng GMA News Feed kamakailan lang kung paano nakatulong sa kanya ngayong panahon ng krisis ay kanyang pagiging streamer.

Ayon sa binata, ang kanyang mga magulang ay ilan lamang sa mga naapektuhan ang trabaho ng magkaroon ng krisis sa ating bansa, kaya naman upang makatulong sa mga ito, ay nag-isip siya ng paraan para kumite online.

Ibinahagi niya kung paano nga ba kumikita ang isang streamer tulad niya. Saad niya, kumikita siya sa pamamagitan ng mga stars na kanyang natatanggap, kung saan ang mga stars nga na kanyang natatanggap ay may katumbas na halaga ng pera.

Ang mga tagapanood niya umano ay pwedeng bumili ng mga stars, at kapag ito nga ay nai-send na sa kanya ay kalahati nito ang mapupunta sa kanya na maari nga niyang ipalit sa pera.

Hindi naman umano inasahan ng binata, na minsan ay sinubukan niya ang mag-stream ng tulog siya, ito umano ay dahil wala namang gaanong nanonood sa kanya. Ngunit laking pagkamangha nga niya, ng pagkagising niya ay may mga nag-send ng stars sa kanya.

“Noong una po sabi ko try ko lang kasi wala naman masyadong nanonood sa akin, then paggising ko po may mga nagsend ng stars”, saad ni Euan.

Hindi nga akalain ni Euan na kahit siya’y hindi naglalaro ay may nanonood pa rin sa kanya. At sa unang linggi nga ng Agosto ay nakatanggap siya ng mga stars na umabot sa $300 kung saan ay katumbas ito ng P15,000 depende na rin sa palitan ng dolyar at piso.