Connect with us

Showbiz

Naging Star Noon Sa “Okay Ka Fairy Ko” Na Si Tweetie de Leon Ito Na Ang Buhay Matapos Na Lisanin Ang Showbusiness

Published

on

Isa sa mga mahuhusay na aktres at magandang modelo na sikat noong dekada 90 si Tweeti de Leon. Dahil sa kanyang taglay na kagandahan, sa edad na 14 at agad siyang nadiskubre bilang isang modelo, kung saan dito na rin nagsimula ang pagbubukas ng mga oportunidad para sa kanya, isa na nga rito ay ang naging pagpasok niya sa mundo ng showbiz.

Aminado si Tweetie na bago niya pinasok ang mundo ng showbiz, ay nagkaroon siya ng pagdadalawang-isip, ngunit dahil na rin sa mga magagandang oportunidad na inialok sa kanya, kalaunan nga ay tinanggap niya ang pagiging isa ng aktres. Isa sa mga naging proyekto niya na tumatak sa maraming mga manonood ay ang “Okay Ka, Fairy Ko”, kung saan kanya ngang mahusay na ginampanan ang karakter na si Faye Kabisote. Sa proyekto ring ito nakasama niya ang isa sa mga magagaling na aktor, komedyante at TV host na si Vic Sotto, na ang naging karakter naman ay si Enteng Kabisote, na siyang asawa ng kanyang karakter na si Faye Kabisote.

Maliban sa pagiging isang aktres at modelo, ay kinarer din ni Tweetie ang pagiging isang negosyante, at dito nga ay naging matagumpay din siya, matapos niyang mapalago ang mga itinayo niyang negosyo. Napag-alaman din na isa na ring health advocate ngayong su Tweetie. Pagdating sa buhay pamilya, ikinasal si Tweetie noong taong 1995 sa kanya ngang asawa ngayon na si Jose Ramon “Mon” Gonzales at ang kanilang masayang pagsasamang mag-asawa ay nabiyayan ng mga anak.

Sa ngayon nga ay mas prayoridad ng dating aktres/modelo ang kanyang asawa at mga anak. Nangngangalang Sabina ang panganay na anak ni Tweetie, at ito ay isa ring modelo ngayon. Sumunod naman dito ay ang dalawa pang lalaki na sina Nicolas at Lorenzo, na mahihilig naman sa paglalaro ng sports.

Kung bibisitahin naman ang social media account ni Tweetie ay makikitang ang kanilang pamilya ay madalas na mamasyal sa magagandang lugar sa loob at labas ng Pilipinas, at ito na nga ang isa sa nagsisilbi nilang family bonding. Ang bansang Spain ang madalas na puntahan ng pamilya, kung saan ay makikita nga sa mga ‘family photo’ nila ang kanilang kasiyahan sa pamamasyal sa mga magagandang lugar sa nasabing bansa.

Hinangaan naman ng maraming mga netizens ang pagiging hands-on ni Tweetie sa kanyang buong pamilya. At kahit kanya ngang iniwan ang kasikatan sa showbiz bilang isang aktres, ay makikita naman na masaya at maganda ang kanyang buhay ngayon.