Connect with us

Entertainment

Nagsimula Ng Mag Ikot Sa Ka Maynilaan Ang Community Pantry Ni Idol Raffy Tulfo

Published

on

Nang magsimula nga ang krisis sa ating bansa ay marami sa ating mga kababayan ang labis na naapektuhan ang kabuhayaan, na naging sanhi ng labis na kahirapan. Ngunit sa kabila nito, sa panahon din na ito mas napapatunayan nating mga Pilipino kung gaano umiiral ang pagdadamayan at pagtutulungan sa ating bansa.

Sa panahon nga ng krisis natin napatunayan na marami pa rin sa ating mga kababayan ang mapagbigay at mayroong malasakit sa kapwa lalo na nga sa mga higit na ngangailangan. Marami sa ating mga kababayan ang nagpaabot ng kani-kanilang maitutulong sa iba’t ibang paraan, kung saan mahirap man o mayaman ay nakagagawa ng paraan nila para makapagpa-abot ng tulong sa kababayan na mas higit ang pangangailangan.

Samantala, sa panahon nga ng krisis ay nauso ang community pantry sa iba’t ibang lugar sa ating bansa, kung saan ito ay isang pamamaraan ng pamamahagi ng tulong sa kapwa. May mga simpleng mamamayan na nanguna sa pagtatayo ng community pantry sa kanilang lugar, at may ibang lugar naman na may community pantry na inorganisa ng ilang mga kilalang personalidad sa showbiz.

Isa naman sa kamailan lamang na nag-organisa ng kanyang community pantry para makatulong sa kababayan nating labis na nakararanas ng kahirapan ngayong krisis ay ang hinahangaan ng marami na si Idol Raffy Tulfo.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga pinakasikat na personalidad. Siya ay nakilala ng marami dahil sa kanyang programang “Raffy Tulfo in Action” at ayon pa nga sa ilang mga eksperto ay siya ang nangungunang YouTuber sa ating bansa.

Napakaraming beses na ngang nasaksihan ng publiko ang pagiging matulungin sa kapwa ni Raffy Tulfo na talaga namang hinahangaan ng marami sa kanya. At mas lalo pa nga siyang hinangaan ngayon ng mag-organisa siya ng isang community pantry, na ang layunin nga ay makatulong sa mga kababayan natin na walang makain ngayong panahon ng krisis.

Noong ngang ika-22 ng Mayo, araw ng Sabao ang unang araw ng community pantry na inorganisa ni Idol Raffy, kung saan ay dalawang barangay nga agad ang napuntahan ng RTIA para magpa-abot ng mga bayong na naglalaman ng mga groceries. Ang mga barangay ngang ito ay ang Brgy. North Bay Blvd South, Kaunlaran Navotas City at Brgy. Commonwealth sa Quezon City.

Nang sumunod na araw naman, Linggo, ika-23 ng Mayo ay ang napunatahan at naabutan naman ng RTIA ng mga bayong na may naglalaman ng mga groceries ay ang Brgy. Payatas, Quezon City at Brgy. 64 sa Tondo, Manila.

Nagpatuloy pa nga hanggang ika-25 ng Mayo ang community pantry ni Idol Raffy, kung saan ay ipinagpatuloy pa nga ng RTIA ang pamamahagi ng mga groceries sa apat pang barangay. Ang bawat barangay nga na kanilang napupunatahan ay nakatatanggap ng 625 na bayong na naglalaman ng mga groceries.

Pinasalamatan naman ni Raffy Tulfo ang lahat ng mga tumulong na maging matagumpay ang kanyang inorganisang community pantry. “Nais naming pasalamatan ang LYKA community na nagbigay ng LYKA gems sa RTIA account na umabot sa P2.2 Million. Maging ang Ultra Mega Supermarket para sa 500K worth of groceries.

Ang amin din pong pasasalamat sa mga taga-LGU at PNP ng mga pinupuntahan naming mga brgy. dahil sa kanilang pakikipagtulungan sa amin. Salamat din sa ACT-CIS at kay JR Que na nagpahiram ng kanyang mga truck at mga tao.”