Uncategorized
“Nalubog kami nun sa utang”, Francine Diaz Ibinahagi Ang Hirap Na Naranasan Ng Pamilya Bago Naging Isang Artista

Si Francine Diaz ay isa sa mga pinakasikat at mahuhusay na teen actress sa henerasyon ngayon. Ang pinaka-big break niya sa mundo ng showbiz kung saan siya ay nakilala at minahal pa ng marami ay ng gampanan niya ang karakter bilang si Cassandra Mondragon sa Kapamilya hit serye noon na “Kadenang Ginto”. Dahil sa ipinamalas niya na husay sa pag-arte, ay talagang marami ang humanga kay Francine, ngunit siya ay mas minahal pa ng marami dahil sa taglay niyang personalidad na mabuti at may kababaan ng loob.
Marami naman sa atin ang hindi nakakaalam na tulad ng ibang mga sikat na personalidad sa showbiz, ay sangkatutak na pagsubok at hirap muna ang tinamasa ni Francine at ng kanyang pamilya bago pa man niya tamasain ang kasikatan na mayroon siya ngayon na naging daan nga upang mabigyan niya ng mas magandang buhay ang kanyang pamilya. Noon pa man nga ay si Francine na ang breadwinner ng kanyang pamilya.
Kuwento ng teen actress, noon nga ay wala silang sariling bahay at nangungupahan lamang sila, at may karanasan nga sila na pinalayas sila sa bahay na kanilang inuupahan dahil hindi na sila nakakapagbayad ng upa. Maliban pa dito, madalas din sila nakakaranas noon na maputulan ng tubig at kuryente dahil nga sa wala silang pambayad, sa sobra ng hirap nga ng buhay nila noon.
Pagbabahagi pa ng aktres, nagkandabaon-baon din sa utang ang kanyang mga magulang noon dahil nga sa mga gastusin at pangangailangan nilang magpamilya. ‘Nalubog kami nu’n sa utang, palagi kaming napuputulan ng tubig. Tapos nakailang lipat din po kami kasi napapalayas. Pero hindi naman po yung pinapalayas na pinapalabas kami bigla ng bahay. Kumbaga, pinapaalis kami kasi hindi na talaga bayaran ‘yung renta”, kuwento ni Francine.
Labing-apat na taong gulang si Francine ng sumubok siyang pasukit ang pag-aartista at ayon nga sa kanya pangarap na niya noon pa man ang maging isang artista dahil ito nga ang nakikita niyang pag-asa para makatulong siya sa kanyang pamilya at mabigyan ang mga ito ng maayos at kumportableng buhay.
“Nung time na ‘yun naisip ko kailangan ko ng trabaho, kailangan kong matulungan sina mama. Dati ko pa talaga gusto mag-artista” dagdag na saad pa ng teen actress. Unang nabigyan ng pagkakataon si Francine na mapakita ang kanyang talento ng siya ay maging extra sa isang TV commercial ng AVP para sa kompanya ng isang kotse.
Ngayon nga na mayroon ng magandang karera at maayos na buhay ay masayang-masaya naman si Francine, dahil lahat nga ng pangarap niya para sa kanyang pamilya ay natutupad na niya, at isa na nga rito ang pagkakaroon nila ng sariling bahay.
