Connect with us

Entertainment

Napaka Cute Na Anak Nina Juancho Trivino At Joyce Pring Na Si Eliam 11 Buwan Na

Published

on

Napakabilis naman talaga ng paglipas ng panahon, kagaya na lamang ng mabilis na paglaki ng mga sanggol. Tuulad na nga lamang ng anak ng mag-asawang Juancho Trivino at Joyce Pring na si Eliam, na parang kailan lamang ng isinilang ngunit ngayon nga ay nasa ika-11 buwan na.
“Can’t wait to discover the world with you and see it in a new light through your big, beautiful eyes.” – Joyce Pring to her son Eliam.

Sa social media account nga ng podcast host-content creator ay kanya ngang minarkahan ang milestone na ito ng kanyang anak na nasa ika-11 buwang gulang na nga.
“Today our little guy celebrates his 11th month earth-side!

“This 11-month-old has been a champ of a travel buddy. We are in Milan this week, on the last stretch of our big European adventure, and I can definitely say that we’ve been blessed with such a patient, sweet, adventurous, easy-going, smart baby! All by God’s grace.”

Ayon nga sa social media post ni Joyce Pring sa kanyang Instagram account, ngayon na nasa ika-11 buwan na ang kanilang anak, ay naisasama na nila itong mag-asawa sa aknilang mga travel. Sa katunayan, ay magtutungo nga umano sila sa Milan ngayong susunod na linggo, bilang bahagi ng kanilang European adventure. Sa kasalukuyan kasi ay nasa bansang Europe ang mag-asawa kasama ang kanilang anak, kung saan ay kanila ngang ine-enjoy ang pamamasyal sa mga magaganda at historical na lugar sa nasabing bansa.

“We often get praises for how he is – even our tour guides, friends we meet up with, and friends we make along the way – always comment on how delightful our little guy is. It’s innate, I think. Wala po kaming special na ginawa kundi mahalin at ipag-pray siya.”

Dagdag na pahayag pa ni Joyce, madalas nga silang nakakrinig ng mga papuri mula sa kanilang mga kaibigan dahil sa naging maayos na pagpapalaki nila sa kanilang anak, at ayon pa sa kanya, wala naman silang anumang espesyal na ginawang mag-asawa kundi ang tanging mahalin at laging ipagdasal ang kanilang napaka-cute na baby boy.

Sa kanyang Instagram post din ay nagbahagi si Joyce ng kanyang mensahe para sa kanyang anak na kung tawagin nga niya ay ang kanyang “little explorer”, dahil sa edad nga nito ngayon ay talaga namang mahilig na ito mag-explore ng mga bagay-bagay.

“Can’t wait to discover the world with you and see it in a new light through your big, beautiful eyes. But I pray above all that all these wonderful things we see point you to our wonderful Creator, who’s given us all these blessings – most precious of which is YOU.”

Matatandaan na sina Joyce Pring at Juancho Trivino ay ikinasal noong taong 2020, at sa sa sumunod na taong 2021 ay agad nga silang nabiyayaan ng anak, ito nga ay pinangalanan nilang Alonso Eliam Pring Trivino, na isinilang noong ika-2 ng Hulyo 2021.