Connect with us

Entertainment

Natatandaan Nyo Pa Ba Ang Cute At Bibong Child Aktres Na Si Xyriel Manabat Isa Ng Napakagandang Dalaga Ngayon

Published

on

Ang child actress na si Xyriel Manabat, ay isa sa mga maililinya sa mahuhusay at bibong batang artista, ng kanyang henerasyon. Ito nga ay dahil sa lahat ng kanyang proyektong kinabilangan, ay talaga namang matagumpay niyang naipapakita ang kanyang angking talento sa pagiging isang batang aktres.
Noong taong 2011, isa sa mga proyekto na ginawa ni Xyriel Manabat ay ang Kapamilya teleserye na “100 Days to Heaven”, kung saan ay gumanap siya bilang Madam Ana Manalastas, ang batang karakter ni Coney Reyes sa nasabing teleserye.

Sa serye ngang ito, ay talagang naipakita ni Xyriel ang kanyang tunay na galing, at ang inaasahan nga ng lahat sa kanya, ay nalampasan niya pa, dahil sa nagawa niya talagang makipagsabayan ng pag-arte sa mga batikang aktor at aktres na kasama niya sa seryeng “100 Days to Heaven”, tulad na lamang nina Coney Reyes, Jodi Sta. Maria, Dominic Ochoa, at Joel Torre.

Samantala, kamakailan nga lamang ay naging agaw-pansin si Xyriel Manabat sa social media, ito ay matapos kumalat ang kanyang mga larawan, na nagpapakita ng kanyang glow-up transformation, mula sa isang cute at bibong bata, na naging isang napakaganda at seksi ng dalaga ngayon.

Ang mga larawan ngang ibinahagi ni Xyriel sa kanyang Instagram, kung saan ay ipinakita nito ang kanyang dalagang bersyon, ay hindi nga inakala ng dating batang aktres, na ito ay magte-trending at talagang pag-uusapan ang pagbabago ng kanyang emahe.

“Nostalgic po. Kasi nga s’yempre nakikita ko po na kahit po pala almost 3 or 4 years na po akong hindi nalabas sa TV. Grabe! Nakilala at natatandaan pa rin po nila si Madam Ana, Momay at Agua”, ang naging saad ni Xyriel, sa online interview na isinagawa ng writer na si Darla Sauler.

Ang huling naging proyekto na kinabilangan ni Xyriel Manabat, ay ang “Wildflower”, kung saan siya ay gumanap bilang ang batang “Lily Cruz”, na karakter naman ni Maja Salvador sa nasabing serye.
Samantala, ayon pa kay Xyriel ay nakapagtapos na siya ng High School, at kaya siya nawala sa showbiz, ay dahil sa mas nais niyang bigyan ng pokus ang kanyang pag-aaral, mga kaibigan at pamilya.

“Ngayon po kasi, simula po nung nag-stop nga po ako sa Wildflower, hanggang ngayon talagang sobrang pokus lang po ako sa personal life… And s’yempre po studies, tapos sa family, friends. Nag-eenjoy lang po ako ng ganito po, wala po munang ganoong iniisip”, ani Xyriel.

Matatandaan na si Xyriel Manabat, ay unang nakilala ng publiko, noong siya ay sumali sa artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol, kung saan dito ay itinanghal siya bilang 3rd-runner up. Dito na nga rin nagsimula ang kanyang karera bilang isang child actress sa industriya ng showbiz.