Connect with us

Entertainment

Natatandaan Nyo Pa Ba Si Alyanna Angeles Ang Dating Child Star Noon Akalain Niyong Dalagang Dalaga Na Ngayon

Published

on

Marami sa mga dating child star noon, ang nasaksihan at nasilayan natin ang paglaki, mula isang cute at dorable na mga batang artista, hanggang sa maging teen actress at actor na ang mga ito.

Samantala, may ibang mga child star naman noon, na nawala sa showbiz, dahil mas piniling tapusin ang kanilang pag-aaral, o di kaya naman ay may iba pang personal na dahilan, kaya naman ang kanilang pagdadalaga at pagbibinata ay hindi na nasubaybayan pa ng marami sa atin.

Isa nga sa mga child star noon na ating nasisilayan sa telebisyon ay si Alyanna Angeles. Siya ay ay napanood natin noon sa seryeng ‘Maria La Del Baryo’ na pinagbidahan ni Erich Gonzales.

Nakilala si Alyanna Angeles sa ‘Maria La Del Baryo’, bilang si Andrea “Andi” H. Dela Vega, ang anak nina Maria Hernandez Dela Vega at Fernando M. Dela Vega, na ginampanan naman ng tambalang Erich Gonzales at Enchong Dee.

Matapos nga ng seryeng ito, kung saan siya ay gumanap bilang anak ni Ercih. Ay muling nakasama si Alyanna, sa isa pang serye ng aktres, at ito nga ay ang superhero series na “Juan Dela Cruz” na umere sa telebisyon noong taong 2013.

Gumanap si Alyanna dito, bilang ang batang karakter ni Ercih na si Rosario Galang, ang love interest, ng superhero karakter ni Coco Martin.

Maliban pa nga rito, ay nakilala rin si Alyanna Angeles, bilang ang child star na madalas maging kapareha ni Zaijan Jaranilla. Napabilang rin siya noon sa mga naging teleserye ni Kim Chui na ‘Ikaw Lamang’ at ‘The Story of Us’.

Kilala rin si Alyanna, bilang pamangkin ng isa sa mga hinahanggang aktres, na si Angel Locsin.
Sa ngayon nga, matapos ang ilang taon na hindi na natin nasilayan sa telebisyon si Alyanna Angeles, ay makikita na sa dating child star,

na ito ay isa ng ganap na dalaga, at tila handa ng sumabak sa mga bagong karakter na maaari niyang gampanan kapag siya ay nagbalik showbiz na.
Hindi nga maikaka-ila na tulad ng kanyang ‘auntie’ na si Angel Locsin, ay may potensyal din si Alyanna Angeles na maging isang mahusay na aktres.