Entertainment
Natural Na Kagandahan Ni Barbie Imperial Kahit Walang Makeup Hinangaan Ng Maraming Netizens

Isa sa mga Kapamilya actress na talaga namang hinangaan ngayon ng marami ay si Barbie Imperial. Hindi lamang nga ang kanyang husay sa pag-arte ang hinahangaan ng marami sa kanya, kundi maging ang pagkakaroon din niya ng kahanga-hangang kagandahan. Tunay ngang sumisimbolo sa kanyang kagandahan ang pangalan niyang ‘Barbie’, ito ay dahil sa mala-manyika niyang hitsura na talaga namang hindi nakakasawang pagmasdan.
Mapa-telebisyon man nga o social media ay talaga namang marami ang nag-aabang kay Barbie, hindi lang para masaksihana ng husay niya bilang isang aktres, kundi dahil sa pagnanais rin ng mga taganga niya na masilayan ang kanyang magandang mukha.
Pagdating sa pisikal na anyo, ay hindi lamang nga ang magandang mukha ni Barbie ang hahangaan sa kanya, dahil tunay na kahanga-hanga rin ang pagkakaroon niya ng magandang hubog ng pangangatawan. Sa kabila nga ng pagiging abala ni Barbie sa kanyang trabaho bilang isang artista, ay hindi naman niya pinababayaan ang kanyang pangangatawan, dahil sinisigurado niyang nadidisiplina niya ang kanyang sarili, hindi lang sa pagkain kundi maging sa tamang pag-eehersisyo.
Sa Instagram account ni Barbie ay makikita ang madalas niyang pagbabahagi ng napakaganda niyang mga larawan, kung saan karaniwan ngang mababasa na mga komento at reaksyon sa mga larawan niyang ito ay panay papuri, dahil sa kanyang taglay na kaseksihan at kagandahan. Ang larawan nga niya na talaga namang umagaw ng pansin sa mga mata ng maraming netizens, ay nang ibahagi niya ang kanyang ‘selfie photo’ kung saan ay masisilayan na wala siyang anumang postura o makeup kaya naman kitang-kita ang natural niyang ganda.
“Bare and kulot [emoji] happy weekend everyone [emoji]”, ang naging caption ni Barbie sa kanyang captions. Mas lalo pa ngang pinahanga ng Kapamilya actress ang marami niyang mga tagahanga at maging mga netizens ng kanyang ibida sa Instgaram post niya ang kanyang larawan habang siya ay nasa beach vacation, kung saan ay makikita nga ang napakaganda niyang pangangatawan hababng siya ay nakasuot ng magandang swimwear na bumabakat hubog ng katawan niya.
“Wow OMG you have a beautiful body and legs my dear”, ang ilan nga sa mga komento sa larawan ni Barbie. Talaga namang hindi nakakasawa ang napakagandang mukha ni Barbie, lao na nga’t kahit wala siyang makeup ay taglay pa rin niya ang kagandahan na hahangaan ng marami.
Matatandaan na ang huling proyektong kinabilangan ni Barbie ay ang Kapamilya series na ‘Bagong Umaga’.
