Connect with us

Entertainment

New Look Ni Asia’s Pops Star Royalty Sarah Geronimo Hinangaan Ng Mga Netizens Dahil Sa Bagong Hairdo

Published

on

Ilang buwan na nga lamang ay magdadaos na ng kanyang ika-32 taong kaarawan ang Asia’s Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo, ngunit kahit buwan ang bibilangin bago ang nasabing okasyon ay may naging pasabog na siya sa kanyang mga tagahanga.

Nito nga lamang nakaraan ay ginulat ni Sarah G. ang kanyang mga tagahanga dahil sa kanyang bagong look, kung saan ay umani nga naman ng maraming paghanga mula sa netizens ang bagong hairdo ng Popstar Royalty.

Sa Instagram account ng celebrity makeup artist na si Gela Laurel Stehmeier ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng larawan ni Sarah G., kung saan nga masisilayan ang bagong gupit nitong buhok.
‘So far’ nga ay maituturing na ang gupit ngayon ni Sarah ay ang pinakamaikli niyang gupit mula ng siya’y makilala sa showbiz. At ayon sa mga ulat, ang gupit ngayon ni Sarah ay gawa ng kilalang hairstylist na si RJ dela Cruz at ito nga ay tinatawag na isang pixie cut.

Napansin naman ng marami na sa bagong hairstyle ngayon ni Sarah ay mas lalo ngang bumata ang kanyang magandang mukha. At ang bago nga niyang hairdo ay nagbigay sa kanyang ng fierce at mature image.

‘Approve’ naman para sa maraming mga tagahanga ni Sarah ang kanyang new hairdo, at karamihan nga sa mga ito ay hindi naiwasan ang mapa-wow sa bagong look ng kanilang iniidolo dahil sa talagang bagay na bagay dito ang kanyang pixie cut hairstyle.

Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens; “Wowwwww so pretty! Bagay!”
“Love the hair and makeup!” “Grabee pabata ng pabata gondoo ng make-up”
“ate sarah ginulat mo po kami lahatt”

“I love her make-up kagabi ko pa to napansin” Si Sarah Geronimo ay isa sa mga pinakasikat at popular na mang-aawit sa ating bansa. Maliban pa dito ay isa rin siya sa mga prominenteng mang-aawit sa mundo ng showbiz.

Matatandaan na noong taong 2002 ng sumali at manalo sa singing competiton na “Star for a Night” nagsimula ang karera ni Sarah G. At magmula nga noon ay sunod-sunod na ang mga oportunidad na nagbukas sa kanya, hindi lang bilang isang singer kundi maging bilang isang aktres.

Ilan naman sa mga awitin ni Sarah na pumatok at tinangkilik ng masa ay ang “A Very Special Love”, “Forever’s Not Enough” at “Tala,” Ang pelikulang “A Very Special Love” naman ang isa sa mga maraming pelikula ni Sarah na naging highest grossing film noong taong 2008,

kung saan ay kanya ngang nakatambal ang Box-Office King na si John Lloyd Cruz. Ang sumunod naman na pumatok na pelikula na pinagtambalan din ng dalawa ay ang “You Changed My Life”, na itinanghal ngang ‘highest grossing Filipino film of all time.’

Sa ngayon ay kasal na si Sarah Geronimo sa kanyang Filipino-Italian husband na si Mateo Guidicelli na isang aktor. Ang kanilang pag-iisang dibdib ay naganap sa isang pribadong Christian wedding ceremony.