Connect with us

Entertainment

Nikki Gil Kitang Kita Ang Kasiyahan Ng Ibida Ang Kanyang Baby Bump

Published

on

Isa sa mga sumikat at naging popular na singer noon sa industriya ng showbiz dito sa Pilipinas ay si Nikki Gil. Maliban pa sa pagiging isang mahusay at sikat na mang-aawit, ay hinangaan din siya sa kanyang iba pang mga talent tulad ng pagiging isa niyang actress, modelo, video jockey at TV host.

Ngunit matapos na niyang mag desisyon na lumagay na sa tahimik ng siya ay magpakasal sa businessman na si BJ Albert noong buwan ng Nobyembre taong 2015 ay tuluyan na ngang iniwan ni Nikki ang kanyang showbiz career.

Makikita naman sa mga larawan ni Nikki na ngayon ay masaya nitong ninamnam ang buhay bilang isang asawa at ina ng anak nila ng kanyang asawa na si Finn. Mas magiging doble pa nga ang kanyang kaligayahan, dahil madaragdagan na ang miyembro ng kanilang pamilya.

Nito nga lamang nakaraang ika-18 ng Abril ay masayang ibinalita ni Nikki sa kanyang mga kaibigan at mga tagahanga na siya ay buntis ng muli, kung saan ito nga ang magiging ikalawang anak nila ng asawa niyang si BJ.

Sa Instagram post ng dating singer-VJ-model, ay ibinahagi nito ang kanyang dalawang larawan kung saan ay ibinida niya ang kanyang baby bump. Makikita rin sa nasabing larawan na kasama niya ang apat taong gulang niyang panganay na anak na si Finn na masisilayan din ang masayang mukha habang hawak-hawak ang baby bump ng kanyang mommy.

Kalakip ng larawan na ito ay ang maikling caption ni Nikki na, “Ready, Kuya Finn?”.
Dahil sa isa nga itong magandang balita at malaking biyaya para sa pamilya nina Nikki at BJ, ay bumuhos ang maraming mga pagbati mula sa kani-kanilang mga kaibigan at kapamilya. May mga kaibigan din sa showbiz si Nikki na nagpaabot ng pagbati, kagaya na lamang nina Rica Peralejo, Lea Salonga, Shaina Magdayao, Luis Manzano, Andi Eigenmann at Pauleen Luna.

Matatandaan naman na huli nating napanood sa Entablado si Nikki Gil noong taong 2019 nang siya ay gumanap bilang bida sa “Carousel”, isang musical na obra nina Richard Rogers at Oscar Hammerstein II.

Samantala, sa ginanap ngang presscon noon ng Carousel, ay ibinahagi ni Nikki na hindi niya pinagsisihan ang ginawang desisyon na iwan ang kanyang showbiz career upang mas bigyan ng pokus ang kanyang pamilya.

“I’m not missing it much yet (laughs). I’m happy with my quiet life. But I do miss work and the people that I used to work with. Of course, I kind of grew up in the industry as well so I spent many years with the staff and my fellow artists. I miss the bond but I think I’ve enjoyed that season enough and I’m just enjoying my season now which is motherhood. I’m an interior design student and now theater.”