Connect with us

Entertainment

Only Child Ng Mag-Asawang Jessa Zaragoza At Dingdong Avanzado Na Si Jayda Masayang Nagdiwang Ng Kanyang ika-18 Taong Kaarawan

Published

on

Tulad ng kanyang mga magulang ay parte na rin ng music industry si Jayda Avanzado. Si Jayda Avanzado ay ang nag-iisang anak ng mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, na parehong kilala at sikat na mga recording artist, na nabibilang rin sa mga mang-aawit sa ating bansa na may best selling albums.

Sa ngayon nga ay isa sa mga rising star ng Philippine music industry si Jayda, ito ay dahil namana niya sa kanyang mga magulang ang husay at talento ng pagiging isang mang-aawit, at maging ang pagsulat o pag-compose ng mga awitin.

Unti-unti ngang ipinapakilala ni Jayda ang kanyang sariling pangalan ngayon sa industriya ng musika sa pamamagitan ng sarili niyang taglay na talento.

Pinasok ni Jayda ang mundo ng showbiz upang ipamalas ang kanyang talento at husay bilang isang mang-aawit sa kanyang edad na 17, kung saan siya ay napabilang sa Rise Artist Studio.

Matatandaan na kailan lang ay nagkaroon na ang dalagang anak nina Jessa ar Dingdong ng sarili nitong major concert, at ito nga ay may titulong “Jayda in Concert”. Sa konsyertong ito ni Jayda ay iprinomote ang debut album niya na “Bahagi” at ang “ Tunay”, na isa naman sa kanyang lead single. Ang mga awitin nga niyang ito ay ‘available’ na ngayon sa mga streaming platforms, kagaya ng Apple music, Spotofy at iba pa.

Bilang mga magulang, ay talaga namang proud na proud sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado sa kanilang nag-iinsang anak, dahil unti-unti na nitong natutupad ang kanyang pangarap na maging isang mahusay at talentadong singer.

Samantala, kamakailan nga lamang ay tumuntong na sa edad ng pagiging isang ganap na dalaga si Jayda Avanzado, kung saan siya nga ay nagdiwang na ng kanyang ika-18 taong kaarawan. At dahil nga sa limitado ngayon ang maaring maging kaganapan sa mga pagdiriwang, ay naging intimate lamang ang pagdiriwang ni Jayda ng kanyang debut.

Nito nga lamang buwan ng Hulyo, ay makikita sa YouTube channel ng Nice Print photography ang video ng naging intimate debut ng dalaga na ginanap umano sa Okada Manila, Paranaque City.

Ang tanging mga dumalo nga lamang sa pagdiriwang na ito ay ang mga malalapit na kaibigan ni Jayda at ang kanyang kapamilya. Ilan nga sa mga kaibigang artista ng dalaga na dumalo sa nasabing pagtitipon ay sina Francine Diaz, Robi Dominggo, Bugoy Drilon, Inigo Pascual at iba pa.

Sa pagdiriwang ngang ito ng ika-18 taong kaarawan ni Jayda, ay hindi naman maaring mawala ang mensahe para sa kanya ng kanyang mga magulang. At ang nauna nga sa magbigay ng mensahe sa dalaga ay ang kanyang ina na si Jessa Zaragoza.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)

“I’m so proud of you anak. Alam ko hard work mo grabe. Bilib ako sa work ethic mo, sa lahat ng ginagawa mo. Andito lang kami lagi ni Dad sa likod mo. I love you baby”,ang naging emotional na mensahe ni Jessa habang pinagmamasdan ang anak na ganap na ngang dalaga.

Nagbigay rin ng kanyang mensahe para sa anak si Dindgong Avanzado, na ang nilalaman pa nga ay kanyang kahilingan na maging matagumpay ang karera nito.
“Jayda, here’s to more success to your career. Here’s to a blossoming young lady, may you be blessed in your career, I’m not going to say in your love life yet but… lahat yan sa tamang panahon.

Wishing you all the success, may your journey be great.”, mensahe naman ni Dingdong sa anak.
Dagdag na saad pa niya para sa anak, “All the people here, are drinking to you because they all belive in you from the very start.”

Maliban sa angking talento ni Jayda, ay hindi rin maikakaila na ang nag-iisang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado ay may angkin ding kagandahan na kabigha-bighani para sa mata ng marami.