Connect with us

Showbiz

Only Daughter Ni Dawn Zulueta Na Si Ayisha Opisyal Ng Teenager Sa Pagtungtong Nito Sa Edad Na 13

Published

on

Opisyal ng teenager ngayon ang only daughter ng beterano ng aktres na si Dawn Zulueta, na si Ayisha Lagdameo. Ipinagdiwang ang only daughter ni Dawn Zulueta na si Ayisha ang ika-13 taong gulang na kaarawan nito noon lamang ika-22 ng Hunyo 2022, araw ng Miyerkules. At sa pagtungtong nga ni Ayisha sa edad niyang ito ay opisyal na nga siyang ‘teenager’.

Sa Instagram account ng beteranang aktres ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan ni Ayisha at ng kanilang pamilya na naka-video compilation. Kalakip nga nito ay ang nakakaantig na mensahe ni Dawn para sa kanyang anak na si Ayisha na nagdiriwang nga ng kaarawan nito. “Happy 13th Birthday, Ayisha! May God look after you as you grow and find your path. Thank you for being the kind, imaginative, funny kid that you are”, saad ni Dawn sa kanyang IG post.

Sa mensahe ni Dawn ay inihayag nga niya na ang tanging hiling niya para sa kaarawan ng anak ay ang patuloy itong gabayan ng Diyos patungo sa maganda at maayos na buhay sa paglaki nito. Makikita din sa post nga na ito ni Dawn ay naka-tag ang kanyang anak na si Ayisha at nilalaman niya pa ito ng mga hashtags na #ILoveYouAyisha at #22June.

Si Ayisha Lagdameo ay ang bunsong anak ni Dawn at ng kanyang mister na si Antonio Lagdameo Jr. at maliban nga kay Ayisha, ay mayroon pang panganay na anak ang mag-asawa at ito ay ang kanilang nag-iisang anak din na lalaki na si Jacobo na ngayon ay 16-taong gulang na at kamakailan nga lamang ay dumalo sa kanyang high school prom.

Samantala, sa kasalukuyan nga ay nasa bansang UK si Dawn Zulueta kasama ang kanyang buong pamilya para sa kanilang bakasyon. Makikita naman sa mga ibinabahaging larawan ng beteranang aktres sa kanyang Instagram account ang mga naggagandahang lugar na kanilang bisita sa UK at kung gaano sila nag-i-enjoy na pamilya sa bakasyon nilang ito.

Si Dawn Zulueta ay isa sa mga aktres sa mundo ng showbiz na tunay na hinahangaan hindi lamang ang kanyang angking husay sa pag-arte kundi lalo na ang kanyang walang kupas na kagandahan mula noon hanggang ngayon. Marami naman ang nakakapansin na sa edad ngayon ng anak ni Dawn na si Ayisha ay lumilitaw pa lalo ang angking kagandahan nito na kanya ngang namana sa ina. At ngayon nga na si Ayisha ay nasa teenage na ay siguradong mas lalo pang magbo-bloom ang ganda nito.