Inspiring
Top 1 Sa Licensure Examination Naranasan Ang Maging Yaya Para Lamang Makapagtapos Sa Kolehiyo

Marahil lahat nga naman tayo ay nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral, dahil tunay namang ang pagkakaroon ng maganda at mataas na edukasyon ang isa sa mga magiging yaman natin sa ating buhay na hindi basta-basta mananakaw ninoman. Kaya naman sa kabila ng kahirapan ng buhay ng marami sa atin, ang iba ay talagang nagpupursige at gumagawa ng paraan para lamang maitaguyod ang kanilang pag-aaral.
Tunay din naman na kapag tayo ay mayroong mataas na edukasyon ay daan nga ito para matupad natin ang anumang pangarap natin sa ating buhay, kagaya na lamang ng pagkakaroon ng mas magandang buhay at kinabukasan, lalo na kung tayo ay lumaki sa kahirapan.
Ganito ang kuwento ng naging tagumpay ng netizens na si Maricris Colipano, 26-taong gulang at tubong Brgy. Upper Natimao-an Carmen, Cebu. Si Maricris ay isa lamang nga sa ating mga kababayan na sa kabila ng kinalakihang kahirapan sa buhay ay hindi sinukuan ang pangarap niyang magkaroon ng magandang buhay,
bagkus ang kahirapan ang anging inspirasyon niya upang mas magsumikap sa kanyang pag-aaral kaya naman sa huli ay nagkaroon ng magandang bunga ang kanyang pagsisikap dahil kamakailan nga lamang sa katatapos lamang na Licensure Examination for Teacher o LET siya nga ang hinirang na Top 1 o may pinakamataas na marka sa lahat ng kumuha ng eksam.
Ayon nga kay Maricris bago niya nakamit ang pagiging Top 1 sa LET ay tunay na hindi naging madali ang mga pinagdaanan niya sa buhay lalo na pagdating sa kanyang pag-aaral. Kuwento niya, lumaki siya sa payak na buhay kung saan ang kanya ngang ama ay isang magsasaka. Dahil nga sa kahirapan, bata pa lamang ay naranasan na niya ang magbanat ng buto at matigil sa kanyang pag-aaral, at sa edad niya umano noon na 19-taong gulang ay nagtrabaho nga siya bilang isang yaya at kalaunan ay nakapagtrabaho naman sa isang kompanya sa Danao City.
Dahil sa pagtatrabaho ni Maricris ay nagawa niyang makaipon, at muli ay nag-enroll siya dahil nais nga niya talaga ang makapagtapos ng pag-aaral. Sa kabila nga ng late na ang kanyang edad sa kanyang enrollment ay hindi niya ito alintana.
Sa pagsusumikap ni Maricris sa kanyang pag-aaral, hindi nagtagal ay matagumpay siyang nakapagtapos sa kolehiyo kung saa ay hinirang pa nga siyang Cum Laude sa naging pagtatapos niya sa Cebu Technological University (CTU) noong taong 2019 at pagkatapos na pagkatapos niyang maka-graduate ay agad naman siyang naghanda sa pagkuha ng board exam kung saan ay naging puspusan nga ang pagre-review niya.
Talaga namang labis ang kasiyahan na nadama ni Maricris ng lumabas ang resulta ng board exam kung saan hindi lamang siya nakapasa, kundi hinirang pa nga siyang Top 1 dahil sa pagkakakuha niya ng mataas na marka sa kalahatan. Nakakuha nga siya ng average na 92.40, dahilan para anguna siya sa lahat ng kumuha ng nasabing eksaminasyon.
Sa pagiging Top 1 nga na ito ni Maricris ay nakapagbigay din siya ng karangalan sa Unibersidad kung saan siya nakapagtapos ng kolehiyo, kaya naman mula sa kanyang alma matter ay nakatanggap siya ng monetary reward. Sa kasalukuyan ay marami nga ang gustong mag-hire kay Maricris, ngunit ayon sa dalaga ay mas nais niya muna ang maging volunteer teacher.
Inspirasyon naman ang naging hatid sa marami ng kuwento ng tagumpay na ito ni Maricris, kung saan muli nga niyang pinatunayan na hindi kailanman magiging hadlang ang kahirapan pagdating sa pagtupad ng anumang pangarap natin sa ating buhay lalo na kung tayo ay masipag, matiyaga at pursigido.
