Connect with us

Entertainment

Over Sa Kilig Ang Mga Larawan Nina Sofia Andres At Boyfriend Na Si Daniel Miranda

Published

on

Parang eksena sa isang romantikong palabas ang kinalabasan ng nakapa-sweet na mga larawan ng magkasintahang Sofia Andres at Daniel Miranda, na kinuhaan umano sa loob ng isang eroplano na makikita sa Palacio de Memoria, isang napakagandang mansyon na isa sa mga ari-arian ng pamilya ni Daniel Miranda.

Makikita sa bawat eksena ng mga larawan na tila nahanap na nga ng aktres na si Sofia Andres, ang kanyang prince charming, at ito nga ay sa katauhan ng kanyang partner sa buhay na si Daniel.

Sa isang nakakakilig na larawan nina Sofia at Daniel, ay inamin ng aktres, na para sa kanya ay nakita na niya ang kanyang “soulmate”, at ito nga ay sa pamamagitan ng inilakip niyang caption sa naturang larawan.

“I have finally found my soulmate”, ang naging caption nga ng aktres sa isang larawan kung saan ay napaka-sweet nila ni Daniel.

Samantala, makikita nga sa bawat larawan na napakaganda ni Sofia, sa kanyang suot na pink blush tone gown kung saan ay tila isa siyang prinsesa, samantalang si Daniel naman ay nakasuot ng parang longsleeve polo, na pinatungan ng itim na leather jacket, na mas bumagay nga sa binata, kung kaya’t mas lalo pa itong naging gwapo na tila isang prinsipe sa isang pelikula.

Dahil nga sa talaga namang sweet na sweet si Sofia at Daniel sa bawat larawan nila, kung saan ay makikita sa titigan at bawat ngiti nila, ang napakatamis nilang pagtingin sa isa’t isa, ay hindi napigilan ng kanilang mga tagahanga ang talaga namang kiligin sa kanilang dalawa.

At dahil nga sa tila mga karakter sa isang pelikula ng pag-iibigan nina Sofia at Daniel, sa kanilang mga larawan, ay nagtatanong ang aktres sa kanyang post, kung ano ang nababagay na title sa kanilang pelikula.

“What’s the title of our movie?”, ang naging tanong nga ni Sofia sa caption ng kanyang Instagram post.
Marami naman sa mga kinilig na mga netizens, ang nagbigay ng kani-kanilang komento, opinion at suhestiyon sa namamaga na umanong pamagat sa mala-pelikulang mga karakter sa larawan nina Sofia at Daniel.

Narito nga ang ilan sa mga nakakatuwa, at malikhaing pamagat na naisip ng mga netizens, kung maging isang pelikula man ang kwento ng pag-iibigan nina Sofia Andres at Daniel Miranda.
“Safe Haven”

“Romeo and Juliet: Millennial Era” “The Prince and The Princess” “Forever After All” “The Moment I Fell Inlove With You” May ilang mga netizens naman ang nagsabi, na tila isang “prenuptial photo shoot” ang ginawa ng magkasintahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

“Looks like prenup.”“Prenup? Hahahhaa”“Kelan kaya ang kasal”“Hala prenup na ba ‘toh”“Akala ko prenup” Ang mga sweet na larawan ngang ito ng magkasintahang Sofia at Daniel, ay kinunan noong ginawa nila ang pre-birthday photo shoot ng kanilang anak na si Zoe Natalia, kung saan ay nalalapit na itong magdiwang ng ika-1 taong gulang na kaarawan nito.

Matatandaan naman na unang nagkakakilala sina Sofia at Daniel, noong taong 2017, sa isang bar sa Taguig. At nitong buwan ng Hunyo naman ng kasalukuyang taon ng unang inamin ng aktres na siya ay mayroon ng karelasyon, at ito nga ay si Daniel Miranda.

Kasabay din nito ay ang naging pagbubunyag ni Sofia sa publiko, na siya ay isa ng ganap na ina, ng isang baby girl na pinangalanan niyang Zoe, at ang ama nito ay si Daniel na binati niya noong “Father’s Day.”