Connect with us

Entertainment

Pagiging Matulungin ni Sen. Manny Pacquiao Napatunayan Nanaman Sa Isang 64-Taong Gulang Na Sorbetero

Published

on

Isang matandang sorbetero ang nagbago ang buhay, dahil sa tulong na kanyang natanggap mula sa ating butihing Boxing Champ at ngayon ay Senator na si Manny Pacquiao.

Image Credit via Google

Batid natin na si Sen. Manny Pacquiao ay kabilang sa pinakamayamang tao dito sa Pilipinas. At kahit pa nga ba malayo na ang narating ni Sen. Manny sa kanyang buhay, ay hindi naman nito binago ang pag-uugali niya, kung saan hanggang ngayon ay mapapatunayan pa rin natin ang pagiging isa niyang mabuti at matulungin sa kapwa.

Image Credit via Google

Si Mang Marciano, ay isang 64-taong na sorbetero, kung saan sa kabila ng kanyang katandaan ay patuloy pa rin siyang naghahanap-buhay upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.At sa paglalako nga ni Mang Marciano ng sorbetes, ay naaktuhan siya ni Sen. Manny Pacquiao at ito ay bumili sa kanya.

Image Credit via Google

Dahil nga sa taglay na pagiging matulungin ni Manny, ay binigyan niya si Mang Marciano ng Php3,000 pesos halaga para sa ilang sorbetes na kanyang binili, kung saan ang sukli ay tulong na niya para sa matanda.

Image Credit via Google

Samantala, hindi naman naiwasan ni Sen. Manny Pacquiao na magbigay ng ilang mga katanungan kay Mang Marciano, dahil sa nakita niya na sa kabila ng katandaan nito, ay nagsusumikap pa rin itong kumayod sa pagtitinda ng sorbetes.

Image Credit via Google

Napag-alaman nga ni Sen. Manny Pacquiao na si Mang Marciano ay nakaranas na palang ma-stroke, ito ay noong taong 2009, ngunit kahit dapat ng magpahinga sa paghahanap-buhay dahil sa naging kondisyon ng kalusugan nito ay muli pa rin itong nagtrabaho dahil sa ito lang umano ang paraan niya upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Dahil nga sa nararamdaman ni Sen. Manny Pacquiao kay Mang Marciano ang pagiging isa nitong matiyaga at masipag na tao, ay muli niya itong binigyan ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php30,000.

Image Credit via Google

Nangako rin si Sen.Manny kay Mang Marciano, na binigyan niya ito ng kumportableng bahay para sa pamilya nito.

Image Credit via Google

Hindi naman inakala ni Mang Marciano, na isang Linggo lamang ang lilipas at tutuparin na ni Sen. Manny Pacquiao ang pangako nito sa kanya.
Personal ngang sinamahan ni Sen. Manny, si Mang Marciano at ang pamilya nito para sa handog niyang bahay at lupa para sa mga ito.

Maliban nga sa isang kumportable ng tahanan, ay kumpleto na rin sa mga bagong kagamitan ang bahay na ipinagkaloob ni Sen. Manny para kay mang Marciano at sa pamilya nito.

Hindi nga lamang nagtatapos sa bahay at lupa ang tulong ni Sen. Manny para kay Mang Marciano, dahil maliban dito ay nahanapan rin siya ni Sen. Manny ng isang maayos na trabaho na “well-paying” at ito ay sa Goldenstate College in General Santos, South Cotabato.

Ayon nga kay Sen. Manny, ay hindi na kinakailangan pang magpainit ni Mang Marciano, at mag-pedal habang nagbebenta ng sorbetes para lang kumita para sa kanyang pamilya. Dahil sa bagong trabaho nito ngayon, ay mas napagaan ang buhay nito at mas hindi ito mapapagod.

Sino nga ba naman ang mag-aakala, na magbabago ang buhay ni Mang Marciano at ng kanyang pamilya, dahil sa naging pagbili lamang ng sorbetes sa kanya ni Sen. Manny Pacquiao?Tunay nga naman na ang taong masipag at matiyaga, ay nakakatanggal ng biyaya, ng hindi natin inaasahan, katulad ng ang nangyari kay Mang Marciano.