Connect with us

Showbiz

Pamilya Legaspi Labis Na Hinahangaan Dahil Sa Kanilang Magandang Lahi

Published

on

Sa mundo ng showbusiness ay marami ang mga pamilyang talaga namang hinahangaan at kilala ng publiko, at isa nga sa mga pamilya na masasabing pinagpala ay ang Legaspi Family ng mag-asawang Carmina Villaruel at Zoren Legaspi. Maliban kasi sa mag-asawa ay may matagumpay na din na karera sa showbiz ang kanilang kambal na anak, at hindi nga maitatanggi na tunay din na pinagpala ang kanilang pamilya ng kagandahan at kagwapuhan. Isa nga ang pamilya nila sa may magagandang lahi sa industriya ng showbiz.

Hindi na nga nakapagtataka na magandang lahi ang naging bunga ng pagmamahalan nina Carmina at Zoren, dahil kita naman na ang mag-asawa ay sadya namang parehong gwapo at maganda. Ang kanilang anak na kambal ay babae at lalaki, na sina Mavy at Cassy ay tunay na minana ang kagandahan at kagwapuhan mula nga sa kanilang mga magulang.

Bata pa lamang nga ang kambal na anak ng mag-asawa ay madalas na natin silang nasisilayan sa telebisyon, dahil kasa-kasama nga sila nina Carmina at Zoren sa mga commercials na kanilang ginagawa. Ngayong nga ay hindi na lamang sa mga commercials natin napapanood ang kambal, dahil pareho na rin silang sumabak sa pag-aartista, kung saan ay kabilang na nga sila sa ilang mga teleserye sa GMA-7 network. Bawat miyembro nga ng pamilya Legaspi ay talaga namang kilala na sa industriya ng showbiz.

Samantala, tunay ngang kahanga-hanga ang pamilya Legaspi, kung saan sa latest family portrait nga nila ay talaga namang makikita kung gaano kaganda ang kanilang pamilya. Makikita sa caption ng naturang larawan ng pamilya ang hashtag #VampireFamily at Royalty.

Masisilayan nga sa naturang family photo ng mag-anak, na sina Zoren at Mavy ay nakasuot ng kanilang beaige suits samantala sinna Carmina at Cassy naman ay silk dress ang suot na bagay na bagay sa kanila.
Sa kasalukuyan nga ay talagang pinag-uusapan ng mga netizens ang napakagandang family photo na ito ng pamilya Legaspi, kung saan magmula ng mai-post ito ay agad na ito humakot ng maraming mga komento ng paghanga mula sa mga netizens at nagkaroon na rin nga ng mahigit sa 50,000 likes reaction.

Halos dalawang dekada na rin ngang magkasama ang mag-asawang Carmina at Zoren, at ang kanila ngang binuong pamilya ay tunay namang puno ng pagmamahalan at kasiyahan. Labis namang natutuwa ang mga netizens na makita ang pamilya Legaspi sa kanilang masaya at magandang samahan.