Connect with us

Entertainment

Pamilya Ni Andi Eigenmann Nagkaroon Ng Masayang Family Bonding Bago Bumalik Ng Maynila Si Ellie Para Magbakasyon

Published

on

Muling nagbahagi ang dating aktres na si Andi Eigenman sa kanilang YouTube channel ng panibagong video nila ng pamilya, at ito nga ay ang naging masayang family bonding nila na talaga namang agad ding nag-trending sa YouTube.

Sinigurado ni Andi na magiging masaya ang family bonding nila na ito sa Isla ng Siargao, lalo pa’t huling araw ito na makakasama nila sa isla ang kanyang panganay na anak na si Ellie.

Ibinahagi ng dating aktres, na nakatakdang sumama si Ellie sa ama niong si Jake Ejercito sa Maynila upang magbakasyon. Kaya naman sa huling araw nito sa isla, kung saan ay magkakasama pa ang kanyang mga anak ay kanyang tinupad ang kahilingan nito sa kanya na magkaroon sila ng family bonding kasama ang ilan sa mga kaibigan nito.

Hiling ni Ellie kay Andi ay ang mag-swimming silang pamilya kasama ang ilan sa mga kaibigan niya, at ito nga ay pinagbigyan naman ng dating aktres, nang magtungo nga sila sa Siargao Inn at dito sila masayang nag-family bonding.

Makikita na labis na nag-enjoy si Ellie sa pagsi-swimming kasama ang kanyang mga kaibigan, ganu’n din ang kanyang kapatid na si Lilo. Si Andi naman ay makikita na karga-karga ang bunsong anak na si Baby Koa, samantala ang partner naman niyang si Philmar Alipayo ay ine-enjoy ang masasarap na pagkain na ini-order nito.

Dahil naman sa umabot na sa 2-milyong subscribers ang YouTube channel ng pamilya na Happy Islanders, ay pinasalamatan nina Andi at Philmar ang kanilang mga tagasuporta at subscribers sa huling bahagi ng video.

“We’re reviewing the video of our last day with Ellie. Obviously nasa Manila na siya ngayon. Now, Happy Easter, kami na lang here but want to take this opportunity to thank you for all the love.”
At ngayon nga na mas marami ng subscribers ang kanilang YouTube channel, ay sinigurado naman nina Andi at Philmar na tuloy-tuloy pa rin ang pagbabahagi nila ng mga videos nilang magpamilya, habang nasa Manila si Ellie at nagbabakasyon.

“While Ellie’s having fun in Manila, kami tuloy-tuloy pa rin ang mga Happy Island videos naming for you guys, so continue watching out for our videos every week, thank you, thank you so much for your support.”