Connect with us

Entertainment

Panganay Na Anak Ni Isabelle Daza Na Si Bastie Kinagigiliwan Dahil Sa Nag-Uumapaw Nitong Kakyutan

Published

on

Isa sa mga hinahangaan sa kagandahan na aktres sa industriya ng showbiz si Isabelle Daza, kung saan naman ay talagang hindi nakapagtataka dahil siya ay may pagmamanahan ng kagandahan, at ito nga ay sa kanyang inang si Gloria Diaz, na dahil sa taglay na ganda ay hinirang na Miss Universe noong taong 1969.

Ang taglay na kagandahan ni Isabelle ang nagpabighani sa kanyang napangasawang si Adrien Semblat, isang napakagwapong French businessman. Bago naging mag-asawa ay naging magkasintahan muna nga ng halos pitong taon ang dalawa, hanggang sila nga ay ma-engaged noong buwan ng Pebrero taong 2016.

Ikinasal naman noong ika-10 ng Setyembre taong 2017 sina Isabelle at Adrien, kung saan naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa San Franceso Church sa Tuscany, Italy. Sa ngayon ay masaya pa ring nagsasama ang mag-asawa, at sila nga ay nabiyayaan na ng dalawang supling na panay lalaki.

Si Baltazar Gabriel o mas kilala bilang si Baltie ay ang panganay na anak ni Isabelle, kung saan katulad ng kanyang mga magulang ay taglay nito ang agaw-pansin na kagwapuhan at kakyutan. Isinilang si Bastie noong ika-1 ng Abril taong 2018, kaya naman ngayon ay nasa tatlong taong gulang na ito.

Kahit naman bata pa si Baltie, ay agad ng mapapansin ang pagiging head-turner nito dahil sa kanyang kagwapuhan. Makikita naman sa celebrity mom na si Isabelle Daza kung gaano ito ka-proud sa kanyang panganay na anak, kung saan ay madalas ngang ibahagi ni Isabelle sa kanyang social media account ang mga larawan ni Bastie na nagpapakita ng kakyutan at kabibohan nito.

Sa murang edad ni Bastie ay marami na siyang mga tagahanga, dahil hind inga mapigilan ng mga netizens ang kagiliwan ang kanyang mga cute at adorable photo.

Samantala, maliban sa mga larawan ni Bastie, ay ibinabahagi rin ni Isabelle sa kanyang social media ang mga bonding moments niya kasama ang anak. Ipinapakita rin ni Isablle ang iba’t ibang mga aktibidad na ginagawa at pinagkakaabalahan ng anak niyang si Bastie.

Ayon naman kay Isabelle, ang panganay niyang anak na si Bastie ay matalino at madaling matuto, kaya naman talagang proud na proud siya rito. Dagdag pa niya, sa edad ni Bastien na tatlong taong gulang, ay kakikitaan na rin ito ng pagiging independent.

“Baltie likes what he likes. He is very sure of himself. He is a fast thinker and is also very independent. I see him as a smart child”, ani Isabelle. Naibahagi rin naman ni Isabelle na ang anak niyang si Bastie ay mahilig sa mga masusustansyang pagkain, kagaya na lamang ng iba’t ibang uri ng prutas.

Kung ngayon pa nga lamang na bata pa si Bastie ay kinagigiliwan na siya ng maraming netizens, mas lalo pa nga siguro kapag siya ay nagbinata na? Subaybayan natin ang paglaki ng napakakyut na si Bastie.